Bitcoin Forum
June 13, 2026, 02:07:01 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Gabay para sa Bagong Gumagamit: Paano ako mag-upload ng mga larawan sa forum?  (Read 12 times)
fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 392
Merit: 313


You Attract What You Are


View Profile
Today at 01:55:26 AM
Merited by joker_josue (5), GazetaBitcoin (1)
 #1

May Akda: joker_josue
Orihinal na Akda sa English: New User Guide: How do I post images on the forum?



Gabay para sa Bagong Gumagamit: Paano ako mag-upload ng mga larawan sa forum?
Pinalakas ng TalkImg


Una sa lahat, maligayang pagdating sa Bitcointalk forum. Dito ay matatagpuan mo ang isang kamangha-manghang komunidad na tutulong sa iyo na matuto tungkol sa mundo ng Bitcoin at marami pa. At kung sila ay darating para mag-anunsyo sila ng serbisyong may kaugnayan sa Bitcoin, lubos itong pahahalagahan; lahat tayo ay gusto ng mga bago at maaasahang serbisyo, at ito lamang ang paraan ng Bitcoin para patuloy na lumago ito.

Ngunit kung ikaw man ay isang tagahanga ng Bitcoin o isang tagapagtaguyod ng serbisyo, may isang bagay na dapat mong malaman bago ka magsimulang galugarin ang forum ay: kung paano mag-lathala ng larawan sa forum. Ginawa ko ang gabay na ito sa pag-asang makakatulong ito sa iyo, bilang bagong gumagamit.

 Paano gumagana ang mga larawan sa forum?  .:
Ang BitcoinTalk ay walang sistema para mag-upload ng mga larawan, at hindi rin ito direktang nagho-host ng mga larawan. Kaya, upang mag-host ng larawan, kailangan mong gumamit ng panlabas na serbisyo ng imahe. Bukod dito, ang forum ay may ilang partikular na patakaran tungkol sa mga larawan na dapat mong isaalang-alang:
  • Tumatanggap lamang ng larawan sa mga sumusunod na formats: JPG, JPEG, PNG, GIF
  • Hindi pwedeng mahigit sa 2.5MB na espasyo

Dapat ding banggitin na ang forum ay gumagamit ng image proxy, na tinitiyak na lahat ng larawang tinitingnan ng mga gumagamit ng forum ay dumadaan sa proxy na ito. Pinapayagan nito na ang mga gumagamit at ang kanilang pagkakakilanlan sa web ay manatiling protektado kapag ginamit ang mga panlabas na hosting na mga serbisyo. At katotohanan na ito ang dahilan na ang ilang image hosting na serbisyo ay nagba-block sa proxy na ito dahil sa sobrang dami ng mga kahilingan. Kaya, mahalagang pumili ng serbisyo sa pagho-host ng larawan na hindi gumagawa ng ganitong uri ng hadlang, tulad ng TalkImg.


 Kailan ako puwedeng mag-upload ng larawan?  .:
Mayroon ding mahalagang alituntunin sa forum: pwede ka lamang  mag-upload ng larawan kapag ikaw ay Junior member.

Ang ibig sabihin nito kahit na mag-lathala ka ng link ng larawan sa forum, hindi ito makikita hangga't hindi mo pa naaabot ang antas na to. Hindi na ako pupunta sa detalye sa gabay na to kung paano tumaas ang antas, pero pwede mong konsultahin ang mga sumusunod na paksa para sa karagdagang impormasyon:
FAQ: Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa 'activity' ng forum, mga ranggo ng account, at merit
Merit at mga kinakailangan para sa bagong ranggo

Depende sa iyong aktibidad/partisipasyon sa forum, maaari kang makarating sa Junior na antas sa loob ng 6-7 linggo. Ngunit, kung ayaw mong maghintay (halimbawa, kung layunin mong i-promote ang isang serbisyo), pwede kang kumuha ng pag-subscribe sa Copper. Sa pamamagitan ng pagbabayad ng isang beses na bayarin, mawawala ang mga paghihigpit na ito. Pakitandaan na hindi ito sapilitan! Kailangan mo lang gawin ito kung nais mong maagang magdagdag ng mga larawan. Karamihan sa mga gumagamit ng forum ay mas gusto na maghintay hanggang sa pwede na silang makapagdagdag ng mga larawan.

 Paano magdagdag ng larawan sa paksa/lathalain?  .:
Tulad ng nabanggit dati, Ang BitcoinTalk ay walang pindutan para mag-upload ng mga larawan, at hindi rin sapat na i-drag at i-drop lamang ang larawan sa paksa/lathalain sa lugar na iyong ginawa. Ang mga lathalain sa forum ay nakabatay sa nakasulat na teksto at BBCode code (maaari kang matuto pa tungkol dito).

Ang ibig sabihin nito ay kailangan mong isulat sa teksto ng iyong lathala ang code at ang link sa larawan na ibinigay ng serbisyo sa pagho-host ng larawan. Kailangan mong isulat ang [img] tag at sa loob ng tag ilagay mo ang link ng larawan. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa:

Paano ito sinusulat: [img]https://www.talkimg.com/images/2026/05/09/UJfwVG.png[/img]
Tulad ng makikita:



 Paano gumagana ang mga sistema ng pagho-host ng mga larawan?  .:
Sa madaling sabi, ang kailangan mo lang ng link sa isang imahe. Gayunpaman, para magamit ito sa isang forum, inirerekomenda na gumamit ng serbisyo ng pagho-host ng imahe sa halip na kopyahin nang direkta ang mga link mula sa ibang mga website. Ang pagkopya ng links sa ibang websites ay maaaring lumabag sa ilang patakaran ng sites, at ang imahe at madaling ma-block ng website na iyon kaya hindi ito maipapakita sa forum.

Kaya naman, may mga serbisyo na pinapayagan sa isang tao na mag-upload ng mga larawan at makatanggap ng link, na pwede nilang gamitin dito sa forum. Halos lahat ng ganitong uri ng serbisyo ay gumagana sa parehong paraan, at karaniwang madaling gamitin. Sundin ang mga hakbang na ito kung gagamit ka ng TalkImg (ito ay libre).


1. Pumunta ka sa www.talkimg.com at i-click ang "Start Upload" o simpleng i-drag ang imahe sa pahina.


2. Pagkatapos piliin ang imahe, isang kumpirmasyong pahina ang lalabas; simpleng i-click ang "Upload" (tandaan na ang mga imahe ay dapat sumunod sa mga alituntunin na binanggit sa itaas).


3. Ang upload ay kumpleto na, at kapag tapos na, isang link/code ay lalabas para kopyahin mo.


4. I-paste ang link/code sa lathalain na iyong sinulat:



 Konklusyon  .:
Para sa mga hindi pamilyar sa ekosistema ng forum, ang lahat ng ito ay mukhang kumplikado. Ngunit naniniwala ako na mas simple at mas praktikal ito kaysa sa unang tingin. Habang patuloy mong tinutuklas ang forum at nakikilahok, makikita mo na ang lahat ay halos awtomatiko.

Sana ay makatulong ang gabay na ito sa iyo upang maintindihan kung paano gumagana ang mga imahe sa forum. Narito ang dalawang karagdagang paksa na maaaring makatulong kapag nag-lathala ng mga imahe sa forum:
Gabay sa pag-post ng mga larawan (may pagbabago ng sukat), at hyperlink
Gabay: Pinakamahuhusay na kasanayan sa paggamit ng mga larawan sa forum/web



Paalala ng May-akda: Sa buong gabay na ito, imumungkahi ko ang serbisyo ng TalkImg para mag-upload ng mga larawan, ngunit malaya ang gumagamit na pumili ng kanilang nais na serbisyo sa pagho-host ng larawan. Ang serbisyo ng TalkImg ay nilikha para sa forum; kung nais mong malaman pa, bisitahin ang opisyal na paksa.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!