Nakita ko itong news sa Bitcoin Magazine, official na raw pumasok ang SpaceX sa public Bitcoin treasury leaderboard bilang 8th largest holder, with around 18,712 BTC. Value niya nasa $1.29 billion based sa report ni
https://bitcoinmagazine.com/news/spacex-officially-join-bitcoin-leaderboardMedyo bullish pakinggan kasi hindi ito maliit na company lang. SpaceX ito, company ni Elon Musk, and kung tama yung report, matagal na pala silang may Bitcoin position pero ngayon lang mas naging clear sa public dahil sa filing.
Ang interesting dito, hindi lang Tesla ang may Bitcoin exposure. SpaceX din pala may malaking hawak. Para sa akin, malaking signal ito na yung ibang big companies hindi lang basta hype sa Bitcoin, may actual position talaga sila sa balance sheet. Pero syempre, hindi ibig sabihin automatic pump agad ang market. Still, malaking bagay pa rin na ganitong company nasa top Bitcoin holders na. Mas lalo lang pinapakita na Bitcoin is slowly becoming part of corporate treasury strategy.
Kayo ano tingin niyo dito, bullish sign ba ito for Bitcoin long term, or wala masyadong epekto sa ordinary holders like us?