I always believe that any kind of publicity ay beneficial regardless kung positive or negative ito. Especially sa cryptocurrency na relatively bago sa ating bansa, any relevant and related news tungkol dito ay nakakatulong para mas maging widespread pa ang pag tanggap nito sa mga iba't ibang business ng mga tao.
May epekto talaga ang balita in terms of exposure sa mas maraming tao, kaya lang mas maganda sana kung balanse yung positive at negative. Pag lagi kasing nadadawit yung crypto sa mga scam, baka masama din yung maging impression ng mga tao sa crypto eh haha.
To be honest, napakalaking tulong yung ginawa ni Senator Bam regarding sa ginawa niyang bill regarding implementation ng blockchain technology sa lahat ng government transactions and projects. While alam natin na sobrang gastos ito at medyo impossible yung enforcement, it gave everyone the idea and the curiosity para malaman kung ano ba talaga ang blockchain.
Ito isa sa mga magandang balita, para malaman ng mga tao na meron din palang magandang dulot yung crypto at blockchain, makakatulong pa sa transparency at anti-corruption.
In essence, any news related sa cryptocurrency ay nakakatulong. Pero more than this, mas makakatulong kung tayo mismo ang mag ddouble check ng lahat ng information na makikita and malalaman natin para malabanan din ang lahat ng uri ng fake news regarding dito.
Totoo lalo na para sa mga gustong mag trade o invest sa crypto, basta wag lang magpapadala sa hype at fomo. Kahit ano pa mang investment yan, dapat mag research muna ng maayos bago maglabas ng pera, at wag basta basta maniniwala sa mga balita lalo na sa social media.