Hanga din ako sa binance kahit na ilang beses na silang sinasangga or pinipigilan na makapasok sa pinas , pagdating sa mga kalamidad lage silang aktibo sa pagtulong kaya kahit na nawala sila gusto ko paring gamitin ang kanilang exchange
Minsan nauuna pa sila kesa sa mga local, at sumusunod nalang sa pagtulong kasi baka nahiya, ung local late samantalang iyong mga international malayo mas nauna pa, kasama naman ito sa pagadvertise ng company pero, nakikita ko na talagang ung pagtulong nila ay parang kakabit na ng company nila.
Maliban diyan sa binance ang coinsph ngdonate din ng 3M, habang 4M naman ang blockshoal at binance, pinadaan ng binance sa blockshoal kasi sila ang maari magdistribute kasama nila dito ang Red Cross, sa pamamahagi.
Kung tatanungin ako dapat bigyan na nila itong binance ng license, at itigil na nila ang pagsuspende sa VASP na iyan, dahil mas madami ang nagooperate malaki ang tax, at maganda ang competitisyun pa, madami din ang tutulong pagmay mga di magandang nangyare na di naman natin tawag dalangin.
Anung masasabi ninyo sa hakbong na ito ng Binance at Blockshoal?
Balita Ukol dito:https://bitpinas.com/feature/binance-charity-mindanao-earthquake-donation/