Kayo, anong mga altcoins ang hawak nyo ngayon na still worthless pa rin?
May mga alts akong hawak na ngayon ay below $20 na lang or even zero value. Most of these are from various bounty campaigns dati.

Karamihan kasi sa startups dati, especially noong ICO days, talagang may mga kasamang tokens/coins as "utility" token/coin kuno, then ang ending iiwan din ng devs yung project. lol
Lesson learned talaga 'to. Even a few years back, I tried buying a bunch of alts din, hoping na magpapump on alt season, ang nangyari nagcrash ang market, ayun. Lugi. Never na ulit bumili ng alts. Stick to BTC na 'lang talaga.

Bounty hunters talaga makaka relate ng mga ganito dahil sa dami nating sinalihang campaigns dati. Di talaga maiiwasan na makakuha tayo ng mga worthless na token.
Pero ang masaklap talaga ay yun bang akala natin na mag pump pa yung coin or token, pero biglang bumulosok pababa at hinayaan nalang natin mawalan ng value dahil nawalan tayo ng gana ibenta pa ito.
Daming lessong na matutunan dati, kaya kung may ma earn man na token ay matic dump na agad wag ng paligoy ligoy at mainam na isiping profit is profit talaga para may makuha pa.
Meron pa ba dito na holders ng mga altcoins na almost no value na for years? Tingin nyo may pag-asa pa kaya itong mga ito na mag-pump?
I’m talking specifically about Ethereum tokens, since marami nito dati especially around 2017 and 2018.
Ako kasi marami pa rin sa wallets ko, pero until now wala pa talagang nag-pump. During those years na mentioned ko, yung total value siguro nito was more than 10 million pesos, pero ngayon parang hindi pa nga abot ng $1k.
Kayo, anong mga altcoins ang hawak nyo ngayon na still worthless pa rin?
Mayroon ako mga shitcoin na good value din sa wallet pero parang nawalan na ng value kasi mga nagshutdown na or wala ng update. Bihira talaga yung surviving minsan lalo na kapag nadaanan na sila ng bear market. Pero meron pa din diyan chance kabayan pero napakaliit na almost same ng value pa din.
Siguro lesson learn na lang sa atin lahat na wag na talaga maghold ng token na masyado volatile or hindi pa stable and pick yung malakas talaga ang narrative. Kung sakali man maging life changing money siya.
Daming ganito talaga yun bang sa una paaasahin ka na baka mas tumaas pa tas nag dump. At umasa ka ulit na mag pump at makabawi pero nag dump din naman at naging worthless na. I experience this at tingin ko dami satin naka experience nito. Kaya ekis na talaga mag hold ng alt.
Kaya daming naging sole bitcoin holder dahil so far ito lang talaga ang pinaka reliable coin na good for long term holding talaga.
Tsaka tama ka wag na talagang mag hold ng token. Mainam benta agad kung kumita na para iwas regret dahil madalas talaga sa dump lang pupunta ang mga yan.