Magandang araw sa inyong mga kapwa ko pinoy sa lokal section na ito, gaya ng topic na ginawa ko ngayon ay mukhang ang RWA so far is on the move na, na kung saan sa aking personal opinyon lang naman isa itong magandang balita para sa akin, ewan ko lang sa ibang mga kasama ko dito, ito palang yata ang masasabi ko na kahit papaano ay magandang hakbang na ginawa ng SEC natin na itokenized yung mga ibang RWA assets sa PSE at maging sa ibang bansa narin.
Honestly lately, may mga nabasa na akong mga balita tungkol sa mga RWA, at nagreresearch ako sa mga potential na meron dito sa hinaharap ay meron akong nakita na sa aking palagay ay pwedeng makapagbigay ng magandang profit din in my own personal assessment lang naman dahil ang unang advantage nito na maitutulong agad ay yung liquidity, tapos kahit sinong lahi ay pwedeng makabili din nito.
Kayo ano sa tingin niyo? Sang-ayon ba kayo sa naiisip at nakikita ko sa bagay na ito?

Source:
https://bitpinas.com/regulation/sec-rwa-pse/