Ngayong araw, tuloyan na akong umexit sa Philippine's stock market, 100%. Nag umpisa ito 1 year, may iba akong stocks at PSEI na binenta na kahit loss.
Ngayon, lahat na ng assets ko sa PH stock market, kahit in losses pa ako, binenta ko na or kinclose ko na at lahat ng ito ay gagamitin ko para bumili ng Bitcoin.
---
Overall, no hard feelings, losses ay losses, lesson learned. Yung losses ko sa mag sell ko ng PH stocks ko ngayon ay ok lang, babawiin ko na lang sa Bitcoin especially ngayon mura or nag dip si Bitcoin, nag promise ako sa sarili ko nakaraan bibili ng Bitcoin if ever mag drop tayo sa ganitong level, so ito na nga yun.
Wala akong screenshots sa ngayon at hindi ko na hahalungkatin pa dahil sa masamang experience na naranasan ko rin pagdating sa stock market.
Share ko lang tong story ko dahil almost the same lang tayo ng experience. Nag-invest sa PH stock market ng taon at sa huli, natalo... or hindi ako natalo pero breakeven sa part ko. Nagsimula akong mag-invest 2020 at nag-open ako ng COL account ko at dun ako bumili ng mga stocks. Nagfocus ako sa mga dividend stocks mainly sa mga REITS dahil sa quarterly dividends na binibigay nila, at dahil sa mga dividends na yun, hindi ako natalo ng sobrang laki dahil cinover nun yung mga supposed losses ko sana. Imagine mo bumili ako ng mga stocks mga around 2020-2021, binenta ko lahat around 2025 at, bumalik lang yung total capital ko.
5 years para lang sa breakeven? Talo pa rin ako dun sa oras dahil kung nilagay ko ito sa Bitcoin or kahit sa crypto na lang in general nung mga panahon na yun, mas malaki sana ang return na makukuha ko. Sobrang disappointed ako sa sarili ko noon dahil sa nangyari, at sobrang disappointed din ako sa PH Stock Market dahil hanggang ngayon at wala kang growth na makikita sa mga PH Stocks. Imagine mo yung mga nag-invest dun at patuloy na naghohold pa rin pagkatapos ng ilang taon tapos loss pa rin.
No hard feelings talaga pagdating sa mga ganyan. Matagal na tayong nag-iinvest at alam natin na need isantabi ang emosyon pagdating sa mga ganitong mga decisions. Hindi man ako natalo sa PH Stock Market kagaya ng nashare mo, nagsisisi pa rin ako dahil kung nilagay ko lang yun sa Bitcoin, may pang Starbucks na sana tayo.

Simula nun, nag-promise na ako sa sarili ko na hinding hindi na ako mag-iinvest sa PH Stock Market.
Tama lang ang desisyon mo kabayan dahil sa nakikita ko, wala akong nakikitang growth dito sa mga susunod na taon, at kung stocks in general lang ang pag-uusapan, mas maganda pa mag-invest sa mga stocks outside PH gaya nung mga US stocks. Focus na lang tayo sa BTC at crypto sa ngayon.