Bitcoin Forum
June 26, 2026, 09:37:27 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Bullish at Bearish Cycle sa Bitcoin  (Read 18 times)
coinrifft (OP)
Full Member
***
Offline

Activity: 252
Merit: 199


Rainbet


View Profile
Today at 08:48:28 AM
Merited by cryptoaddictchie (1)
 #1

Bullish at Bearish Cycle sa Bitcoin

Image generated by AI



Talaan





I. Panimula

Alam naman na natin na ang Bitcoin ay kilala sa matitinding paggalaw ng presyo sa merkdado. At sa simula pa, , paulit-ulit na naranasan ng merkado ang tinatawag na bullish cycle at bearish cycle. At kung ikaw ay isang namumuhunan sa Bitcoin, mahalagang malaman mo ang pinagkaiba ng dalawang ito. Lalo rin sa mga trader, dahil dito nakasalalay ang kanilang kikitaan kahit ano pa mang uri ka ng trader.




II. Bullish Cycle sa Bitcoin

Ang bullish cycle ay panahon kung kailan patuloy na tumataas ang presyo ng Bitcoin sa loob ng kulang kulang na dalawang taon. Karaniwang nagsisimula ito pag tapos ng Bitcoin halving dahil ang supply ay mas nagiging limitado pero ang demand ay nakapataas..

At kapag dumating itong cycle na to, halos lahat ng investor at trader ay nagiging positibo sa galawan ng presyo dahil nga inaasahan na tataas ang presyo nito sa mga sumusunod na taon. At lalo na kung may mga positibong balita tungkol sa adoption,  institutional investments, at mga bagong development sa industriya. Katulad na lang itong huling bull cycle na nahalal si Trump dahil kilala siyang supporter ng Bitcoin ay nais nyang mga Strategic Bitcoin Reserve ito ng Estados Unidos. Ganun din na buksan ng mga malalaking institution ang ETF sa kanilang mayayamang kliente.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karaniwang katangian ng bullish cycle:

  • Pagpasok ng mga bagong mamumuhunan
  • Patuloy ang pagtaas ng presyo ng Bitcoin
  • Mataas na trading volume sa mga exchange
  • Positibong sentimyento sa merkado
  • Pagtaas ng interes mula sa mga institusyon at malakaking kumpanya

Pero pakatandaan na meron din tayong tinatawag na  FOMO (Fear of Missing Out), ito yung mga namumuhunan na bumili dahil ayaw nilang sila ay mapag-iwanan lalo sa kita. Ngunit hindi nila tinitingnan na ang pagbili nila ay malapit sa top price ng bull cycle na iyon.

At kung dumating ang matinding price correction at kabahan sila, malamang na magbenta ito ng patalo.




III. Bearish Cycle sa Bitcoin

Kabaligtaran naman ang bearish cycle. Ito ang panahon na kung saan ang presyo ng Bitcoin ay patuloy na bumababa. At maraming mga namumuhunan ay nagbebenta sa panahong ito, marahil at kinukuha lang nila ang kanila kita sa nagdaang bullish cycle. At dito rin nagkakaroon ng mga balitang FUD kaya nagiging negatibo ang  sentimyento ng merkado.

Ilan sa mga katangian ng bearish cycle ay:

  • Patuloy na pagbaba ng presyo
  • Pagtaas ng takot at pag-aalinlangan ng mga namumuhunan
  • Pagbaba ng trading activity
  • Mas maraming nagbebenta kaysa bumibili
  • Negatibong balita at market sentiment

At sa panahong ito, maraming mga baguhan na investor (newbie) ay natatakot sa nakikita nilang galawan sa merkado kaya sila ay nagbebenta kahit matalo sila. Hindi sila katulad ng mga matatagal na dito na hindi na kinakabahan ngunit bagkus ay imbis na magbenta, sila ay namimili pa para mas dumami ang kanila hawak.




IV. Paghahambing ng Dalawang Cycle

AspetoBullish CycleBearish Cycle
PresyoTumataasBumababa
SentimyentoPositiboNegatibo
Kilos ng InvestorMas maraming bumibiliMas maraming nagbebenta
Media CoverageKadalasang positiboKadalasang negatibo
EmosyonKasabikan at kumpiyansaTakot at pag-aalinlangan




V. Mga Salik na Nakaaapekto sa Market Cycles

May iba't ibang salik na nakaaapekto sa pagbuo ng bullish at bearish cycles sa Bitcoin market.

  • Supply at Demand – Kapag mas mataas ang demand kaysa supply, tumataas ang presyo. Kapag kabaligtaran naman, bumababa ito.
  • Bitcoin Halving – Ang halving ay nagpapababa sa dami ng bagong Bitcoin na nalilikha, na maaaring magdulot ng kakulangan sa supply at pagtaas ng presyo sa paglipas ng panahon.
  • Regulasyon – Ang mga batas at regulasyon mula sa iba't ibang bansa ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kumpiyansa ng merkado.
  • Economic Conditions – Ang inflation, interest rates, at iba pang economic factors ay maaaring makaapekto sa paggalaw ng presyo ng Bitcoin.




VI. Mga Aral para sa mga Namumuhunan

Ang pag-unawa sa market cycles ay makatutulong sa mga investor na gumawa ng mas matalinong desisyon.

Narito ang ilang mahahalagang aral:

  • Magkaroon ng malinaw na investment strategy.
  • Iwasang magpadala sa emosyon tulad ng takot at kasakiman.
  • Magsagawa ng sariling pananaliksik bago mag-invest.
  • Gumamit ng wastong risk management.
  • Magkaroon ng pangmatagalang pananaw sa merkado.

Ang mga bullish cycle ay maaaring magbigay ng malaking oportunidad para sa paglago ng kapital, habang ang mga bearish cycle naman ay maaaring maging pagkakataon upang makabili sa mas mababang presyo at makapag ipon ng marami sa ating wallet.




VII. Konklusyon

Ang bullish at bearish cycles ay normal na bahagi ng Bitcoin market. Kaya dapat wag tayong matakot na harapin to at ituring na bahagi ng paglalakbay natin bilang isang mamumuhunan. Marami na sa atin dito ay nakaranas na ng isang buong cycle, kaya alam na nila ang gagawin at hindi na kinakabahan. At ito rin ang magtuturo sa atin kung paano tayo dumiskarte bilang isang namumuhunan. Nagiging susi rin to sa paggawa ng tamang desisyon. At isa sa estratehiya ay yung tinatawag na DCA (Dollar-Cost Average).



Mga Sanggunian


Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!