Bullish at Bearish Cycle sa Bitcoin
Image generated by AI
Talaan
I. PanimulaAlam naman na natin na ang Bitcoin ay kilala sa matitinding paggalaw ng presyo sa merkdado. At sa simula pa, , paulit-ulit na naranasan ng merkado ang tinatawag na
bullish cycle at
bearish cycle. At kung ikaw ay isang namumuhunan sa Bitcoin, mahalagang malaman mo ang pinagkaiba ng dalawang ito. Lalo rin sa mga trader, dahil dito nakasalalay ang kanilang kikitaan kahit ano pa mang uri ka ng trader.
II. Bullish Cycle sa BitcoinAng bullish cycle ay panahon kung kailan patuloy na tumataas ang presyo ng Bitcoin sa loob ng kulang kulang na dalawang taon. Karaniwang nagsisimula ito pag tapos ng Bitcoin halving dahil ang supply ay mas nagiging limitado pero ang demand ay nakapataas..
At kapag dumating itong cycle na to, halos lahat ng investor at trader ay nagiging positibo sa galawan ng presyo dahil nga inaasahan na tataas ang presyo nito sa mga sumusunod na taon. At lalo na kung may mga positibong balita tungkol sa adoption, institutional investments, at mga bagong development sa industriya. Katulad na lang itong huling bull cycle na nahalal si Trump dahil kilala siyang supporter ng Bitcoin ay nais nyang mga Strategic Bitcoin Reserve ito ng Estados Unidos. Ganun din na buksan ng mga malalaking institution ang ETF sa kanilang mayayamang kliente.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karaniwang katangian ng bullish cycle:
- Pagpasok ng mga bagong mamumuhunan
- Patuloy ang pagtaas ng presyo ng Bitcoin
- Mataas na trading volume sa mga exchange
- Positibong sentimyento sa merkado
- Pagtaas ng interes mula sa mga institusyon at malakaking kumpanya
Pero pakatandaan na meron din tayong tinatawag na FOMO (Fear of Missing Out), ito yung mga namumuhunan na bumili dahil ayaw nilang sila ay mapag-iwanan lalo sa kita. Ngunit hindi nila tinitingnan na ang pagbili nila ay malapit sa top price ng bull cycle na iyon.
At kung dumating ang matinding price correction at kabahan sila, malamang na magbenta ito ng patalo.
III. Bearish Cycle sa BitcoinKabaligtaran naman ang bearish cycle. Ito ang panahon na kung saan ang presyo ng Bitcoin ay patuloy na bumababa. At maraming mga namumuhunan ay nagbebenta sa panahong ito, marahil at kinukuha lang nila ang kanila kita sa nagdaang bullish cycle. At dito rin nagkakaroon ng mga balitang FUD kaya nagiging negatibo ang sentimyento ng merkado.
Ilan sa mga katangian ng bearish cycle ay:
- Patuloy na pagbaba ng presyo
- Pagtaas ng takot at pag-aalinlangan ng mga namumuhunan
- Pagbaba ng trading activity
- Mas maraming nagbebenta kaysa bumibili
- Negatibong balita at market sentiment
At sa panahong ito, maraming mga baguhan na investor (newbie) ay natatakot sa nakikita nilang galawan sa merkado kaya sila ay nagbebenta kahit matalo sila. Hindi sila katulad ng mga matatagal na dito na hindi na kinakabahan ngunit bagkus ay imbis na magbenta, sila ay namimili pa para mas dumami ang kanila hawak.
IV. Paghahambing ng Dalawang Cycle| Aspeto | Bullish Cycle | Bearish Cycle |
| Presyo | Tumataas | Bumababa |
| Sentimyento | Positibo | Negatibo |
| Kilos ng Investor | Mas maraming bumibili | Mas maraming nagbebenta |
| Media Coverage | Kadalasang positibo | Kadalasang negatibo |
| Emosyon | Kasabikan at kumpiyansa | Takot at pag-aalinlangan |
V. Mga Salik na Nakaaapekto sa Market CyclesMay iba't ibang salik na nakaaapekto sa pagbuo ng bullish at bearish cycles sa Bitcoin market.
- Supply at Demand – Kapag mas mataas ang demand kaysa supply, tumataas ang presyo. Kapag kabaligtaran naman, bumababa ito.
- Bitcoin Halving – Ang halving ay nagpapababa sa dami ng bagong Bitcoin na nalilikha, na maaaring magdulot ng kakulangan sa supply at pagtaas ng presyo sa paglipas ng panahon.
- Regulasyon – Ang mga batas at regulasyon mula sa iba't ibang bansa ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kumpiyansa ng merkado.
- Economic Conditions – Ang inflation, interest rates, at iba pang economic factors ay maaaring makaapekto sa paggalaw ng presyo ng Bitcoin.
VI. Mga Aral para sa mga NamumuhunanAng pag-unawa sa market cycles ay makatutulong sa mga investor na gumawa ng mas matalinong desisyon.
Narito ang ilang mahahalagang aral:
- Magkaroon ng malinaw na investment strategy.
- Iwasang magpadala sa emosyon tulad ng takot at kasakiman.
- Magsagawa ng sariling pananaliksik bago mag-invest.
- Gumamit ng wastong risk management.
- Magkaroon ng pangmatagalang pananaw sa merkado.
Ang mga bullish cycle ay maaaring magbigay ng malaking oportunidad para sa paglago ng kapital, habang ang mga bearish cycle naman ay maaaring maging pagkakataon upang makabili sa mas mababang presyo at makapag ipon ng marami sa ating wallet.
VII. KonklusyonAng bullish at bearish cycles ay normal na bahagi ng Bitcoin market. Kaya dapat wag tayong matakot na harapin to at ituring na bahagi ng paglalakbay natin bilang isang mamumuhunan. Marami na sa atin dito ay nakaranas na ng isang buong cycle, kaya alam na nila ang gagawin at hindi na kinakabahan. At ito rin ang magtuturo sa atin kung paano tayo dumiskarte bilang isang namumuhunan. Nagiging susi rin to sa paggawa ng tamang desisyon. At isa sa estratehiya ay yung tinatawag na DCA (Dollar-Cost Average).
Mga Sanggunian