Hindi ka natatalo sa Day trading dahil wala kang alam, madalas pumapasok ka sa market na walang malinaw na plano, walang direksyon at walang risk control na umaasa kana lang na sana tumama ang hula mo. At ngayong 2026 ay mas mapanganib na ang ganitong istilo, mas mabilis na ang galaw ng market, mas madami ng platform, mas madaling magleverage, mas madaling pumasok sa trade, mas mabilis maubos ang laman ng account sa loob lamang ng ilang minuto.
In fact, ang US market nagbago narin ang rule sa day trading, kaya mas nagiging accessible ang frequent trading. Pero sa usaping ito kailangan maintindihan ng trader ang risk bago sumabak. Kaya kung beginner ka ang tanung ay hindi dapat ang
KUNG ANO ANG PINAKA-MABILIS NA STRATEGY PARA KUMITA AGAD? kundi ang tamang tanung ay,
ANO ANG STRATEGY NA SIMPLE ENOUGH PARA MAINTINDIHAN KO, PERO SOLID ENOUGH NA HINDI AKO BASTA-BASTA NAGPAPATALO SA EMOSYON KO? kaya ang pag-usapan natin ay ang
TRADING STRATEGY FOR BEGINNERS.Hindi ito magic strategy, hindi ito secret indicators, hindi ito set-up na lagi kang panalo, ang ibabahagi ko sa inyo ay isang simple framework na pwede mong gamitin sa Crypto, Forex, Stocks, or any Liquid market.
Basta marunong kang MAGHINTAY, MAGPLANO, TUMANGGAP PAG-MALI ANG IDEA MO, ang strategy na ito ay tinatawag na
TREND PULLBACK CONFIMATION STRATEGY. Simple lang naman ang ibig sabihin nito, hindi ka basta bibili nalang dahil bumababa, hindi karin basta magseSELL dahil tumaas, dahil,
1. Aalamin mo muna kung sino ba ang may control sa market, pwede kasing BUYERS, SELLERS ba o wala pang malinaw na direksyon.
2. Maghihintay ka ng Pullback, meaning hindi ka hahabol sa gumagalaw na candle, sa halip hihintayin mong bumalik ang price sa area kung san mas maganda ang risk at bago ka pumasok ay hahanap ka ng confirmation na may chance talagang magpatuloy ang direksyon.
Tatlong bagay lang ang call ng strategy ito ay ang
DIRECTION, PULLBACK, at CONFIRMATION. kung naintindihan mo ito ay mas magiging malinis ang trading mo.
1. Hindi kana basta papasok dahil may nakita kang green candle.
2. Hindi kana basta magsoshort dahil feeling mo mataas na.
3. Hindi kana rin basta magtitiwala lang sa indicators ng hindi mo alam kung ano ang market context, sa halip mas magiging Selective ka at mas Kalmado, at mas Aware sa Risk.
Unahin natin ang
DIRECTION, sa day trading mas marami mga beginners ang laging naghahanap ng entry, pero siyempre bago ka maghanap ng entry ay kailangan mo munang malaman kung anong klaseng market ang nasa harap mo. Trending ba? Ranging ba? Choppy? kasi kahit maganda ang strategy mo kung mali naman ang market condition na pinasukan mo ay mahihirapan ka rin. Kung ang price ay gumagawa ng Higher high at Higher low meaning bullish ang context structure, sa madaling salita mataas ang buying opportunity kesa pilitin ang short. At kung ang price naman ay gumagawa ng Lower high, Lower low ay Bearish ang structure mas okay ang maghanap ng selling opportunity kesa pilitin ang Buy. Pero kung ang Price ay paikot-ikot lang sa gitna at walang malinaw na low, puro fake out, walang malinaw na direksyon kaya naman ang best strategy sa ganito ay walang trade.
Ito ang hindi maintindihan ng maraming mga beginners, akala nila ang Day trading ay araw-araw may entry dapat, in which is maling mindset, Pero sa totoong day trading ang pinaka-professional na desisyon ay MAGHINTAY.
PULLBACK, ito naman ay ang simpleng pagbabalik ng price pagkatapos ng isang move, kung bullish ang market ay hihintayin mo munang bumaba ng konti ang price papunta sa support area, moving average or previous area ng demand zone,

Kung Bearish market naman ang momentum ay hihintayin mo munang umakyat yung market sa resistance area, moving average, previous breakdown level, or supply zone,
Bakit importante ang Pullback? Kasi dito gumaganda ang entry, kapag bumili ka after pullback sa bullish trend, mas malapit ang Stop Loss mo sa invalidation area, mas maliit ang risk,
mas malinaw kung saan ka mali.

At kapag nagshort ka naman after a pullback sa bearish trend, hindi ka nagsesell sa pinakababa kundi mas naghihintay ka ng mas magandang price, parang tindahan lang na kapag alam mong gusto mong bumili ay mas okay bumili kung merong kang discount. kesa humabol, habang ang lahat ay nag-uunahan. Sa trading ang Pullback ang mas nagbibigay sa atin ng reasonable na entry.

Subalit hindi lahat ng pullback ay entry. Ito ang isa sa pangunahing mistakes ng iba, may beginners natuto lang magpullback ay tapos bawat baba sa bullish trend ay buy agad, at kung sa bearish trend ay short agad. Pero ang totoo kung minsan ang Pullback ay simula na pala ng reversal, at sa sitwasyon na ganito ay kailangan naman na natin ang
CONFIRMATION.
CONFIRMATION, ito naman ang nagsasabi sa atin kung meron ng reaction sa area, though hindi parin guaranteed pero dagdag parin ng clue sa atin. Example ng larawan sa ibaba nito ay bullish set-up

Gaya ng nasa larawan ay pataas ang Trend, nagbreak ang price sa previous high tapos bumalik sa moving average o previous resistance na ngayon ay pwedeng maging support, pero siyempre hindi ka muna agad bibili, kundi titignan mo muna kung may rejection, may candle ba na bumaba pero nagclosed din pataas. Kapag may ganitong reasyon ay dito tayo magplano ng entry. Ngayon to simplify the entry model ay
Identify the trend,
Wait for Pullback,
Wait for Reaction,
Enter with define Risk.