1. Ito madalas kung mga nababasa at nakikita sa karamihang mga community kung saan ay
madami parin ang Bumibili o nakakabili ng bitcoin
o ibang mga cryptocurrency during All Time high.
2. Hanggang ngayon madami paring mga investors kahit matagal na dito sa crypto space ay
Hindi parin sila nagsasagawa muna ng pagresearch sa coins na kanilang nais na puhunanan.
3. May iba naman
nagiging pabaya sa kanilang mga seed phrase, hindi sineseryoso ung pag-iingat ng ganitong mga importanteng bagay, at may iba na sadyang may pagkaburara lang talaga.
4. karamihan parin sa panahon na ito ay
nagpapatuloy parin ang maraming mga community na nabibiktima ng mga scammers na pumapasok dito sa crypto world na ito.
5. Ito naman karaniwang nangyayari sa mga traders na kung saan ay
hindi nakapag-take profit, madalas mangyari kasi ay meron ng profit kaya lang biglang nagiging sakim yung iba o karamihan na baka umangat pa na siyang nagiging dahilan na iniisip nilang mas lalaki pa o madagdagan yung kita nila kapag nagpatuloy pa sila kaya ang ending ay ayun talo pa.
Marahil madami ng nakagawa ng topic na katulad ng ginawa ko na ito, pero gusto kolang sanang marefresh ang ating mga sarili sa mga ganitong bagay na usapin, sapagkat aminin man natin o sa hindi ang ganitong mga pangyayari ay paulit-ulit paring nangyayari, kaya dapat sana ay mas maging aral na itong mga ganitong sitwasyon para umusad tayo dito sa industry na ito.welcome po ang sinuman pang nais na magdagdag na sa tingin ninyo ay makakatulong sa ating lahat po na narito, salamat
