Nakakatawa yung video

talagang ganyan na ganyan na talaga ang nangyayare naalala ko pa tuloy nun noong nagtry din ako ng mga demo account, hindi ko din naman naapply ibang iba talaga kapag real funds mo na ang gamit mo lalo na kung lahat ng pera mo nandoon lahat sa investments mo na yun talagang mawawalan ka ng moral namagrisk di tulad ng demo account subok ka lang ng subok madalas mataas pa ang profit mo.
Sa tingin ko naman hindi lang narerealize ng mga newbies ang risk na pinapasok nila kaya madalas ay natatalo sila sa market, madalas kase sa mga baguhan ay akala nila madali lang kumita ng pera sa trading, dahil nakita nila sa ibang mga traders or mga kaibigan nila na kumikita ng malaki sa crypto, kaya akala nila sobrang dami lang at kayang kaya din nilang gawin, isa rin sa mga napansin ko ay maraming mga newbies ang swenerte sa simula na kumita kahit papano kaya pagdating noong trading na or bear market akala nila alam na nila ang lahat at madali nalang dahil na crack na nila ang code kaya malaki ang ego nila, hindi nila narearalize dahil kulang na kulang pa sila sa experience sa market.
Tama kapo dyan kabayan, kasi naranasan ko kasi na sumubok ng demo account sa trading bago talaga ako magsimulang magsanay sa actual trade mismo, yung sa demo na ginawa ko napansin ko kasi na palaging tama most of the time yung prediction at analysis na aking ginagawa, para bang pakiramdam ko merong tao sa likod ng demo account na nagmomonitor ng ginagawa ko na ang respond nya ay inaayon nya sa iniisip ko na tama, kaya ang result lagi akong kumikita sa demo account.
At nung nabuo o nahubog na sa aking kaisipan na parang handa na akong magtrade sa actual cex platform ay ayun na nga sinubukan ko ng magdeposit sa small amount lang naman, at nung nandun na ako sa actual trade at nagsasagawa na ng analysis ko ay ayun napansin ko habang ginagawa ko ito ay unti-unting nalulusaw yung balance ko na btc sa futures, though mababa lang naman yung leverage ko na gamit, kaya nagawa ko ang topic na ito dito na ibang-iba sa reality world ng trading.