Bitcoin Passphrase: Ang Karagdagang Proteksyon para sa Iyong Seed Phrase
Image generated by AI
Table of Contents
I. PanimulaNapag-usapan na natin ang paksang ito sa
Pinakamahusay na Paraan sa Pag-backup ng Seed Phrase. Pero sabi ko nga kailangan natin ng hiwalay na paksa para mapag-usapan pa natin ito ng mas malalalim.
Ang tinatawag na "passphrase" ay nagbibigay ng karagdagang layer ng seguridad, at nang mas mataas na proteksyon laban sa pagnanakaw o hindi awtorisadong pag-access sa iyong Bitcoin wallet. Bagama't opsyonal lamang ito, posibleng maraming gumagamit na nito ngayon dahil sa daming mga hackers. Dahil gusto nating mapalakas ang seguridad ng ating self-custody wallet.
II. Ano ang Bitcoin Passphrase?Ang Bitcoin passphrase, na kilala rin bilang
BIP39 Passphrase o minsan ay tinatawag na "25th Word", ay isang opsyonal na password na idinadagdag sa iyong 12 o 24-word seed phrase. Hindi ito literal na ika-25 salita. Maaari itong maging anumang kumbinasyon ng mga letra, numero, espasyo, at simbolo. Kapag ginamit ang parehong seed phrase ngunit magkaiba ang passphrase, magkakaroon ng magkaibang Bitcoin wallet.
Halimbawa:
- Seed Phrase lamang = Wallet A
- Seed Phrase + "Bitcoin2026" (bilang passphrase) = Wallet B
- Seed Phrase + "MySavings" (bilang passphrase) = Wallet C
Ang Ibig sabihin nito, bawat natatanging passphrase ay lumilikha ng panibagong wallet na may sariling Bitcoin addresses, private keys, at balanse.
III. Mga Benepisyo ng PassphraseAng pangunahing benepisyo ng passphrase ay ang dagdag na seguridad sa ating wallet. Kung makuha ng isang tao ang iyong seed phrase ngunit hindi niya alam ang tamang passphrase, hindi pa rin niya basta basta maa-access ang iyong aktwal na Bitcoin wallet.
Nagbibigay rin ito ng tinatawag na
plausible deniability. Maaari kang magkaroon ng wallet na walang passphrase na may maliit na halaga ng Bitcoin, habang ang mas malaking halaga ay nakatago sa isa o higit pang hidden wallets na gumagamit ng iba't ibang passphrase.
Dahil dito, kahit may makakita ng iyong seed phrase, hindi agad niya matutukoy kung saan nakalagay ang iyong pangunahing pondo.
IV. Seed Phrase vs Passphrase| Katangian | Seed Phrase | Passphrase |
| Mandatory | Oo | Hindi (Optional) |
| Ginagamit sa wallet recovery | Oo | Oo (kapag naka-enable) |
| Maaaring baguhin | Hindi | Oo |
| Kapag nakalimutan | Hindi na mababawi ang wallet | Hindi maa-access ang hidden wallet |
| Lumilikha ng hidden wallet | Hindi | Oo |
| Case-sensitive | Hindi naaangkop | Oo |
V. Praktikal na HalimbawaIsipin nating mayroon kang sumusunod na seed phrase.
Kapag walang passphrase, ito lamang ang seedphrase na Wallet A na may Balance: 0.05 BTC
Kapag nilagyan ng passphrase na, ito as seed phrase + pass phrase na Bitcoin2026 na Wallet B na may Balance na 2 BTC.
Ngunit kapag nagkamali kahit isang character lamang, halimbawa, ang nagamit mo at Bitcoin2025, Magbubukas ito ng ibang wallet na walang laman. Ito ang dahilan kung bakit may ilang gumagamit na inaakalang nawala ang kanilang Bitcoin, ngunit ang totoong problema ay maling passphrase lamang ang kanilang nailagay.
VI. Mga Karaniwang Maling Akala- Ang passphrase ay ika-13 or ika=25 na salita ng seed phrase. Ngunit hindi ito bahagi ng seed phrase. Isa itong hiwalay na password.
- Kapag nawala ang passphrase, sapat na ang seed phrase. Hindi. Parehong kailangan ang seed phrase at ang tamang passphrase.
- Pareho pa rin ang wallet kahit magpalit ng passphrase. Hindi. Bawat magkaibang passphrase ay lumilikha ng magkaibang wallet.
- Mas ligtas kung napakahirap tandaan ang passphrase. Kung hindi mo rin ito matatandaan o maayos na maiimbak, maaari mong tuluyang mawala ang access sa iyong Bitcoin.
VII. Mga Security Tips- Huwag isulat ang passphrase sa parehong papel kung saan nakalagay ang iyong seed phrase.
- Huwag i-save ang passphrase sa email, cloud storage, o messaging applications nang walang encryption.
- Subukan muna ang recovery process bago maglagay ng malaking halaga ng Bitcoin.
- Pumili ng passphrase na mahirap hulaan ngunit kaya mong ma-backup nang ligtas.
- Panatilihing pribado ang iyong passphrase at huwag itong ibahagi kahit kanino.
- Tandaan na walang customer support ang Bitcoin na makakatulong kung makalimutan mo ang iyong passphrase.
VIII. Mga Dapat TandaanBagama't napakalakas ng seguridad na ibinibigay ng passphrase, may kaakibat din itong panganib na tapat natin laging tatandaan:
- Hindi nare-recover ang wallet kapagnakalimutan ang passphrase.
- Case-sensitive ang passphrase.
- Mahalaga ang bawat letra, numero, espasyo, at simbolo.
- Maling passphrase ay hindi magpapakita ng error. Sa halip, bubuksan nito ang ibang wallet na maaaring walang laman.
Halimbawa:
Bitcoin
bitcoin
BITCOIN
Bitcoin2026
Bitcoin 2026
Lahat ng nasa itaas ay magkakaibang passphrase at magbubukas ng magkakaibang wallet.
VIX. KonklusyonAng Bitcoin passphrase ay isa sa pinakamakapangyarihang security features na maaaring gamitin sa isang self-custody wallet. Gayunpaman, ang karagdagang seguridad na ito ay may kaakibat na malaking responsibilidad. Kapag nakalimutan ang passphrase, wala ring paraan upang mabawi ang access sa wallet na iyon. Kaya bago gumamit ng passphrase, tiyaking nauunawaan mo kung paano ito gumagana at mayroon kang maayos at ligtas na backup ng parehong seed phrase at passphrase.
X. Mga Sanggunian