Nangyari ito 15 years ago, hindi natin alam ang mga sumunod na pangyayari kung nagbago sya ng position at nag buyback, honestly ako nung i present sa akin ang Bitcoin ay hindi agad ako naniniwala kailangan pa ng mga sunod sunod na pump bago ako napaniwala na may potential ang Bitcoin.
Ang mga investor naman ay nagbabago ng isip depende sa sitwasyon at nakikita nilang potential sa isang asset. Hopefully ganun nga ang nangyari sa kanya, pero kung hindi siya nagbago, malas niya lang.
Hirap e track ng progress since I think inactive nadin ata ang user na yan. Tsaka who knows maybe natuto nadin sya sa pagkakamali niya at nag hold narin ng Bitcoin nung nakita nya na mataas talaga ang potensyal ni Bitcoin na mas lumago pa.
Kung kayo nasa katayuan nya before ay ganun din ba ang sentiments nyo? o pipiliin nyo ang mag hold?
As a former miner na binenta niya almost kalahati ng mga mined coins niya kapalit ng few games in early 2011, habang nawala ko yung kalahati dahil hindi ako gumawa ng backup
[long story (refer to #9)], I guess pareho kami ng sentiments on that time, kaya I don't blame him/her.
Saklap nun kabayan. Sayang no kung iisipin malaking halaga na sana, pero kung masaya ka naman sa pinag gastusan mo nung araw ay ayos narin.
Siguro nag panic lang talaga yung user na yan kaya ganun nadin ang frustration at decisions nya. Questionable nga rin talaga ang future ng Bitcoin kaya marami talaga ang nagbenta dati.
Mahirap sabihin na baka di ko ibenta yung mga hinohold ko dati. Kasi kapag nasa sitwasyon ka na kailangan mo ng pera at wala kang ibang paghuhugutan at ng tulong, ang pinakamagiging choice ay ang pagbebenta ng hinohold kong bitcoin. Madaming pagkakataon na nakapagbenta ako at nagamit ko naman sa tama. Nakakalungkot lang isipin yung mga ganung panahon na kaya naman ihold kaso nga lang kinakailangan dahil sa sitwasyon. Kung papipiliin lang ako hindi magbenta, hindi talaga ako magbebenta kaya mahalaga na may ibang source din para sa ibang mga pangangailangan at kapag nagkaroon ng emergency ay hindi natin magagastos yung hinohold nating btc.
Ganun talaga wala kang choice kung nahaharap ka sa emergency situation. Kung ako man pipiliin kung ibenta ang Bitcoins na nalikum ko basta ma solve lang yung malaking problema na kinakaharap. Bawi nalang next time talaga sa mga ganyang cases.
Well, dahil for some reason merong mga factors na nakakaapekto sa vision nila pero I think ng makita niya na nag surge pwede magbago isip niya, which I assume at sana kasi talaga panghihinayangan niya ito. Ito yung thread:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=27348.0 and I think the last reply the user posted says it all but we never know baka outside forum bumili siya.
Ganun na nga, baka nag iba din ang isip nya dahil. Kadalasan naman satin ay natutoto sa ating pagkakamali, siguro gumawa na ng mas magandang action ang user na yan sa panahong ito lalo na't mas naging kilala at nag pump narin ng sobrang taas si Bitcoin.
Pero daming ganito talaga dati no yun bang pinili nilang mag dump nalang dahil natakot sila na babagsaksi Bitcoin pero ang ending yung mga nag hold ay pumaldo at karimihan ay kumita ng mas malaki.
Well, in all fairness to him, I think lahat naman siguro tayo, went through a similar thing to what he felt that time, especially every time BTC's market price goes down. Makikita mo talaga na maraming ganitong sentiments during bearish season.

Hindi ko rin masisi ang mga previous BTC holders on why they sold their BTC early since at that time, hindi pa gaanong sikat ang BTC and most of the time, ang mainstream media, puro negative pa ang binabato sa Bitcoin. Talagang lalambot ang kamay mo kung ganoon ang sitwasyon.

Yung sentiments talaga ang niya ang highlight sa topic nato. Kaya ganun talaga kung ma frustrate at magbenta ka ay talo talaga. Patibayan ng fighting spirit talaga sa pag hold ng Bitcoin.
Mahirap naman kasi masabi during that time eh. Talagang napaka early and fresh pa ng crypto and blockchain nung time na yun and di pa masyado maingay and walang makitang utility and most likely mga techie lang ang nakakagamit unlike now na madami ng way pano siya maaccess and makabili. It only took 15years or more for that tech to boost and get its praise. So nakakamangha talaga ang mga early adopter at naghold ng kanilang mga bitcoin.
Yeah, kaya normal lang din kung iisipin talaga na mas madaling mag panic ang mga tao noon. Wala pang malaking support si Bitcoin kaya mabilis din ang pump and dump lalo na kung may fuds or good news na lalabas.
Agree naman ako dun sa nagbenta kasi nga hindi natin alam ang futures.
Kahit naman ang karamihan na legendary na ngayon dito sa community natin na matagal na rin sa Bitcoin at nagbenta noong araw pa kasi hindi natin alam kung tataas pa talaga katulad ng pag taas sa ngayon on malalaos ang Bitcoin.
Dahil kung alam ng natin eh nag mina na lang tayo dati pa at nag-ipon kaya at hindi nagbenta para lahat mayaman na dito.
Napaka unpredictable nga din naman kasi ng galaw ni Bitcoin kaya ganun. Pero isa may natutunan ang mga tao sa story na ganto. Which is yung mga naniwala ng matagal kay Bitcoin ay halos lahat ay pinagpala.
Hindi naman kasi tayo aware talaga sa pwede maging future ng bitcoin eh kumbaga ito talaga yung mga pera na willing tayo mawala sa atin kung magkataon eh pero incase man na ganyang taon siguro if may pera ako mag imbak ako ng bitcoin if ever man siguro if may potential yung bitcoin that time i mean transational base na sya na pwede magamit siguro mag iimbak nga talaga ako pero before kasi uso palang ata nyang year is 2011 halos Clash of clans nga lang e tsaka ako that time student palang ako halos 100 pesos lang ata baon ko nyan eh di pa maka bili ng kailangan. Pero at least now alam na natin capability ng bitcoin diba.
Not known pa talaga si Bitcoin dati at puro ganun din na laro ang inaatupag ko. Nalaman ko lang si Bitcoin nung kasikatan ng deep web at same din ng subject sa topic ay binenta ko rin yung kinita ko noon.