Ganun nga talaga at madami sa atin napunta sa ganung sitwasyon at wala tayong ibang choice kung hindi magbenta. May kirot at panghihinayang pero ganun talaga. Mas masakit sa ulo yung may problema ka at may bitcoin ka pero hindi mo masolve yung problema mo dahil ayaw mong magbenta. Kaya mas mainam nalang din na magbenta nalang para tapos ang problema at bawi nalang sa pag iipon ulit kahit na mas mahirap na dahil nga pamahal na ng pamahal yung presyo ng bitcoin. Ito lang din talaga ang dapat na maging plano ng karamihan sa atin habang bagsak pa ang market.
Totoo yan may kirot talaga pero hindi rin ako nagsisi na nabenta ko halos lahat nagastos ko nung pandemic makaraos lang kami ng mama ko kami lang dalawa sa city at masasabi ko na malungkot masaya, nadugtungan ang buhay dahil kung hindi ako gumastos at pati nadin ng crypto ng time bago pa ang pandemic sigurado wala nako dito ngayon baka either wala nako sa mundo, or nasa province ako, at ngayon ko naisip na ayos din kasi nakasama ko pa ang mama ko ng ilang taon, kahit na iniwan nako nya ngaun masaya parin, at nagpapasalamat ng malaki sa mga taong nakasama ko pa sya bago siya kunin sakin ng diyos sorry medyo malungkot lang.
Condolence sayo tech. Ang hirap nga ng ganyan, may kirot, halong lungkot at saya. Basta napakinabangan mo yung hinohold mo at nadugtungan ang buhay ng mama mo. Tignan nalang natin yung magandang nangyari kasi hanggang doon nalang talaga ang buhay. Okay lang maging malungkot kasi ramdam ko sa post mo yung lungkot. I'm sure masaya din siya na naging sulit ang mga panahon na magkakasama kayo at parehas kayong nagsurvive lalo na noong pandemic na ang daming naghirap at hanggang noong time lang na yun ang buhay nila.