Kamusta sa lahat ng mga kababayan ko dito, nawa'y nasa maayos na lagay ang bawat isa sa atin ngayon araw na ito sa kabila ng bagyong kinakaharap natin sa ngayon. May nais lang sana akong itanung dito sa inyo, sa ilang buwan na aking pagpasok sa mundo ng trading ay nakita ko na hindi talaga madaling aralin ang mundo ng crypto trading, at hindi talaga birong aralin para maintindihan ito ng basta-basta lang.
Kahit papano naman po kasi habang inaaral ko ang industry na ito lalo na sa Trading ay may mga bagay narin akong naiintindihan pagdating sa usaping trading, at maging sa actual activity na ginagawa ko dito sa crypto trading, gusto ko lang sanang ibahagi yung mga nalalaman at natutunan ko sa trading habang sariwa pa sa aking kaisipan sa simpleng paliwanagan para maintindihan ng karamihang mga community dito, partikular sa mga newbie po, para po itong trading course pero wala po akong sisingilin na singkong duleng, its for FREE anyway. Gusto ko lang po talagang magshare ng knowledge sa sinuman dito sa ating lokal community para magkaroon din po ng guidelines yung iba na nais matuto ng Trading, Kasi mas maganda na yung magshare ng kaalaman kesa maging madamot sa kapwa.
Maraming salamat po
