Masyadong malayo ang sugal sa trading.
Para sa akin ito yung common misunderstanding ng mga tao sa trading, kala nila sugal ito, or pa swerte swerte. Kasi pag sa sports betting, kahit sabihin expert ka na jan, may luck parin jan involve saka sugal yan.
Pag trading naman, pag nagamay mo, na practice mo at alam mo na pasikot sikot, pwede ka maging profitable long term.
Ang disadvantage lang ng trading para sa akin ay napakataas ng panahon ang kailangan mo para pag-aralan ito at kahit nag-seminar ka na ay hindi rin sigurado na maalam ka na. Sabi nga sa mga veterans na sa trading ay iilang beses ka muna masunugan ng account bago ka matuto sa pasikot-sikot nito. Kung titingnan natin yong mga account na nasusunog ay medyo may kalakihan din yong capital kaya yong naka-experience ng sunog sa account ay kaunti nalang ang bumabalik sa trading kasi wala ng puhunan.