Kung nakinig lang tayo sa kanya nung 2013. Na sinabi nyang bumili tayo ng $1 ng Bitcoin at baka sabay sabay na tayong multi-millionaire ngayon.
----
Kung meron man sigurong Pinoy na nakakita nito nung 2013 at naniwala at pinagpatuloy ang investment o kaya hinold, mayaman na to sa ngayon at panay pasalamat sa taong ito.
Noong taong 2013, kaka graduate ko pa pa lang sa high school at hindi ako nagbababad sa YouTube nung mga panahon na yun. Andun ako sa computer shop nakikipagtrashtalkan sa mga kalaro ko.

Kung laking comshop kayo ay alam nyo ito.

Kaya wala akong pagsisisi kung bakit hindi ako nakapaginvest ng maaga sa Bitcoin dahil wala din naman akong alam patungkol sa investing nung mga panahon na yun. Mas magsisisi ako sa sarili ko kung may idea na ako sa investing nung 2013, alam ko na yung Bitcoin at mas pinili kong hayaan na lang at hindi maglagay ng pera. Yun pagsisisihan ko pa yun. Well, hindi ko rin naman napanood yung video nya noon kaya okay lang din sa akin.
Ang tanong ay mayroon bang Pinoy na nakapag invest noong 2013 sa Bitcoin dahil sa video niya? Ang isa pang tanong ay hanggang ngayon ba eh hawak pa rin nila yung mga Bitcoin na yun dahil marahil karamihan sa kanila ay nabenta na nila yung BTC na hawak nila nung nakita nilang domoble or trumiple yung pera nila.