Bitcoin Forum
July 16, 2026, 09:07:18 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: (Trading Course for Beginners) Chapter 2  (Read 14 times)
fighter2627 (OP)
Member
**
Offline

Activity: 158
Merit: 63


View Profile
Today at 10:50:44 AM
Last edit: Today at 12:29:13 PM by fighter2627
 #1

Sa first chapter na aking ginawa kahapon ay pinag-aralan natin ang basic idea about sa trading., Investing, Market trend, and market cycle. Para magkaroon tayo ng foundation kung ano ba ang nangyayari sa market.  Ngayon sa pagkakataon na ito ay pag-aaralan naman natin ay ang tungkol sa mga uri ng Trading style na ginagamit ng iba't-ibang traders.

Alam na natin ang basic concept ng trading, Bibili ka sa murang halaga at ibebenta naman natin sa mas mataas na halaga. Pero alam mo ba na maraming basic strategy na maari nating pagpilian. Bawat traders ay may kanya-kanyang preference  na style depende sa kanilang availability. Kaya sa chapter na ito matutuklasan mo kung ano bang trading strategy
ang naaangkop sayo.

Chapter 2

DAY TRADING ito yung paraan na pagtetrade sa loob lamang ng isang araw.

Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay isang day trader bibili siya ng isang asset at pagkalipas ng 1 o dalawang oras ay ibebenta na nya ito. Meaning sa maikling panahon ay nagawa ni Juan na makapagprofit sa market, parang napakadaling gawin pero sa reality ay hindi.

Ang Day tradiing ay nababagay lamang sa mga exprienced traders, Pero madami naring mga newbie traders na pinapasok narin ito. Ang isang day traders ay uri ng trader na in and out sa market within the day. Kaya naman hindi maipagkakaila na very stressful ang day trading. Kadalasan sila ay nagtetrade sa lower timeframe na 5min. to 1hr. Ito ay nababagay lamang sa mga taong walang masyadong ginagawa at kayang subaybayan ang galaw ng market sa lahat ng oras. Kasi mabilis ang execution dito, mabilis manalo, mabilis din matalo. Pero ang profit na nakukuha dito ay hindi rin naman ganun kalaki, hindi katulad ng sa Swing Trading.

SWING TRADING ito naman ang idea nya ay to capture the swing, ang trade ay maaring magtagal ng 1 day o weeks. it means kung isa akong swing trader na nag-enter sa trade ngayon ay hindi agad mag-eexit sa market mamaya, maaring itong magtagal ng isang araw o ilang araw o di-kaya abutin pa ng weeks bago ako mag-exit sa market.

Ang isang swing trader ay madalas nagtetrade sa higher timeframe tulad ng 4hr - Daily, di-hamak na mas malaki ang nakukuha na profit ng mga swing traders kasi mas malaki ang trend na nasasabayan nito kumpara sa Day traders. Hindi rin ito masyadong stressful, dahil nga hindi nila kailangang bantayan ang market ng minu-minuto. Pwede silang mag-enter ng position ngayon at babalikan nalang nila ito bukas o sa mga susunod na araw. Ang strategy na ito ay nababagay sa mga taong walang time na bantayan ang market ng minu-minuto. Kaya pwede itong magawa bilang part-time job talaga.

POSITION TRADING ito naman yung long-term trade talaga, sila yung mga traders na sumasabay sa trend, they aim for much higher profit. Tumatagal ang trade nila ng ilang buwan, year or couple of years.  They make trade on higher timeframe daily or weekly.  Bukod  pa dito ang tinitignan nila ay yung big features ng market, in which they use Fundamental and Technical analysis sa kanilang mga trade. Hindi rin nila pinapansin ang fluctuation ng price sa lower timeframe or yung tinatawag na market noise. Dahil naniniwala silang magpapatuloy parin ang value ng kanilang posisyon na ginawa sa trade. At kung malaki ang nakukuha na profit ng isang swing trader ay mas higit na malaki naman sa Position trader. Kasi nakasakay sila habang nagtetrending ang merkado.

Ang mga Position traders ay mga pasensyosong mga tao, hindi nila ibebenta agad ang kanilang mga assets kahit na tumaas na ang value nito, they aim for the higher prize. Kaya nga bagay na bagay ito sa mga taong busy o abala sa kanilang mga buhay-buhay.

SCALPING ito naman siguro ay mas magandang isipin nyo nalang na isa itong Day trading pero EXTREME. Kasi ito yung mga traders o scalpers na nagtetrade o nagpaparticpate sa smallest timeframe na 1min o 5minutes lang. Ang motibo ng mga scalpers ay makakuha ng maliit na profit pero madami, so, kung pagsasama-samahin mo nga naman yung mga maliliit na profit ay magiging malaki din ito. By the way, ang scalping ay hindi advisable sa mga newbies, kasi dito kailangan mabilis ang desisyon, at kailangang well knowledgeable ka sa technical analysis. Pero marami naring mga beginners ang nagsisimula as a scalpers dahil matigas ang kanilang mga ulo. HIndi rin naman natin sila masisisi dahil they got the mindset of get rich quick scheme. Subalit dito naman sila nagkakamali, dahil alam naman ng karamihan na it takes time bago ka maging profitable na traders.

sa panahon ngaun, lalo na sa cryptocurrency ay pwede naman talaga maging scalpers ang mga beginners, mas mapapabilis nga ang experienced na makukuha nila sa scalping time na magagawa nila. But they have to pay higher price na magagawa nila, pero uulitin ko kailang well verse ka sa Technical Analysis. Ngayon, kung wala kapang alam sa Technical analysis at pinasok mo ang Scalping ay hindi trader ang tawag sayo kundi YOU ARE A CERTIFIED GAMBLER.

Importante din na malaman nyo ang Basic Investing Strategy, Kaya isinama ko narin ito dito, sapagkat karamihan na mga successful traders may mga investment din dyan na mga nakatago at ang pinakacommon na strategy sa Investing ay ang Diversification.

DIVERSIFICATION ito alam na alam ng lahat sa atin dito yung kasabihan na " Don't Keep your Eggs in one basket " meaning kung magiinvest daw tayo sa isang bagay ay dapat ikalat o ilagay mo hindi lang sa isang account o assets.
Quote
Ang idea ng Diversification ay idiversify ang pera mo sa iba't-ibang assets hindi lang sa isang assets lamang, sa madaling salita ay nakakalat ang investment natin dapat.

Sa cryptocurrency industry ang idea ay the same lang din, pipili tayo ng mga coins na sa tingin natin ay malakas ang Fundamental na maaring lumipad ang price in the future at hahati-hatiin mo ito. Dahil it could be a combination of Large Cap, Mid-Cap o Low Cap coins.

Large Cap
- ito yung may mataas na marketcap katulad ng Bitcoin at Ethereum.
- mas mababa rin yung risk dito dahil proven ang tested narin sila overtime.
- kaya dito mas magandang maglaan ng mas malaking percentage ng investment.

Mid-Cap
- ito naman yung marketcap ay naglalaro naman sa 1bilyon to 10bilyons tignan nio nalang kung aling coins ang nasa ganitong marketcap value sa cmc.
- Obviously mas risky ito kumpara sa Large cap.


Low-Cap
- ito naman yung high risk high rewards naman na kung saan anything below 1bilyon dollars na market cap, pero mataas ang chance na maging zero ang value ng coins.
- Mas malaki ang growth opportunity dito, kaya ito yung tinatawag ng iba na moonshot coins. Pero marami ding mga scam na coins dito, kaya be very careful sa pagpili ng coins
  sa category na ito.


BUY&HOLD common strategy naman ito ng mga investors, at ang isa sa popular na kilala sa paggamit ng strategy na ito ay si Warren Buffet kilala bilang " The Greatest Investor of all TIME ".
Napakaimple lang ng strategy ng taong ito, bibili lang siya ng undervalued na stocks tapos ihold na nya ito ng 10years or more bago nya ito ibenta. Dito sa cryptocurrency uso din naman ang holdings at very profitable pa nga when it comes to holdings at best example for this ay ang Bitcoin. dahil ang value ni bitcoin before nung 2010 ay halos sentimos lamang, biruin mo kung nakabili manlang tayo kahit 100 pesos lang nung mga panahon na ito at naihold natin ng 16years yung 100 pesos napayaman na tayo sana ngayon diba?

██▀ ██▀ ██▀ ██▀   🅲   C  o  n  t  e  s  t  H  u  n  t  e  r  s  .  c  o  m   ▀██ ▀██ ▀██ ▀██
P r e d i c t .   C o m p e t e .   W i n
██▄ ██▄     🔎 CONTESTS   |   🏆 TOURNAMENTS   |   🎰 CASINO REVIEWS     ▄██ ▄██
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!