Ang tanung ko kabayan magiging maayos ba kung ilalagay natin din sa blockchain ang Electric system or ang pagkuha ng meter reading sa kuryente?
Para sa akin maaring masolusyunan ang issue na ito subalit kailangan ng isang setup na magmumula sa metro na mismo, papunta sa blockchain system, kung baga mawawala na ang manual reading at deretso na agad sa system.
Sa tingin ninyo kung magiging ganeto ang setup ng Electric producers magiging maayos kaya at mababawasan ang problema?
Dahil dito, mas lalo pang madadagdagan ang mga bagong service charge. Sa ngalan ng VAT, demand charge, rebate, renta sa meter, at iba pa, mas marami pang ikakaltas na bayarin ang gobyerno. Lalo lang lalaki ang mga walang kwentang gastusin.
Imbis na magpakahirap sa ganyang mga abala, maaari mo na lang picturan ang reading ng meter mo buwan-buwan.
Ipagkumpara mo ang nakalagay na unit sa bill at ang aktwal na reading ng meter kada buwan.
Kung mapansin mong may mali sa billing, magreklamo ka sa iyong lokal na electric provider at attach mo rin ang larawang kinuha mo. Sa ganitong paraan, adjust at itatama nila ito sa susunod mong bill.