Marahil ay narinig na nating itong dalawang istratehiya sa pag-invest sa Bitcoin, heto ang DCA (Dollar-Cost Averaging) o Lump sum. Ako personally, ang ginagamit ko sa ngayon at DCA. Pero siguro maganda rin nating pag-usapan to.
Ano ba ang DCA?
Ito yung pagbili ng Bitcoin sa regular na schedule, pwede itong
- 1,000 kada linggo
- 2,000 kada kinsenas
- 5,000 kada buwan
At hindi mo na tinitingnan ang presyo ng Bitcoin, pwede mong silipin to pero dapat hindi ka magpapa apekto dito. So nakakalaban nito ang FOMO, ngunit ito ay may kaakibat na disiplina. Katulad ng nasabi ko, minsan parang nagkaka mental fatigue ako o tinatamad. Pero nilalaban ko na lang at iniisip ang long term goal ko.
Ano ang Lump Sum investing?
Dito naman ay isang bagsakan ang gagawin mong pagbili. Halimbawa may 300,000 ka, isang bilihan lang ang gagawin mo at hold mo hanggang sa bull run na. At ito rin ang pagkaka intindi ko sa ginawa ng ating kababayan na si @GreatArkansas dito sa thread niya,
Binenta ko na lahat ng PH Stocks ko para bumili ng Bitcoin!Ang problema lang sa lump sum investing ay dapat at least sa mababa mo talagang presyo nabili ang Bitcoin at hindi pwede nung kataasaan ng bullrun. Ang maganda naman sa lump eh kunwari nakatanggap ka ng malaking pera sa inheritance, o nakapag benta sa negosyo mo ng malaki o property.
Kaya sa ating ordinaryong Pinoy, na kunwari may regular na trabaho at sumasahod ng kinsesas at katapusan siguro maganda ang DCA.
Pero kung yung parang may one time big time kang pera na dumating, lump sum approach siguro.
O pwede rin mag hybrid, pag may malaking pera ay 50% lump sum, at 50% DCA.
Sa tingin nyo sa current strategy nyo, ano ang ginagamit nyo sa ngayon?
Sa mga nag DCA, paano kayo bumibili, lingguhan o buwanan?
Naniniwala ba kayong mas mahalaga ang tamang estratehiya kaysa sa tamang timing?