Bitcoin Forum
July 28, 2026, 01:41:13 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Habits na nagpapabagal sa pag-angat natin sa buhay  (Read 44 times)
fighter2627 (OP)
Member
**
Online Online

Activity: 169
Merit: 69


View Profile
July 21, 2026, 05:48:02 AM
 #1

Magandang araw sa lahat ng mga kababayan ko dito, nais ko lang magshare ng FACTS, tungkol sa habit na nagpapabagal sa pag-usad ng ating estado sa buhay kahit sobrang sipag pa natin, hindi lahat ng mga masisipag ay yumayaman. Minsan kasi ang problema ay hindi kakulangan sa trabaho. Kundi ang ugaling tahimik na humihila pababa.

1. Sa bawat dagdag na kita ay may katumbas na Gastos, Promotions? upgrade ng Lifestyle. Bonus? Shopping agad.
    Hindi lumalaki ang yaman mo kundi lumalaki lang ang monthly expenses mo.  


2. Inuuna ang Rewards bago ang Responsibility, halimbawa Bago ang cellphone, bago ang Emergency Fund.
    Bakasyon muna, bago ang Investment, Celebretion ngayon, problema naman bukas.


3. Umaasa na mas malaking sweldo ang solusyon sa lahat. Subalit hindi naiisip ng karamihan na "Mas malaking kita ay mas malaking Opportunidad",
    Pero kung pareho lang ang ugali ay pareho lang din ang magiging resulta.



Narealized ko ito mga kababayan in the hardway. Akala ko noon ay kailangan kung kumita ng mas malaki. Pero kahit na madami ang pumapasok na pera ay mabilis din itong lumalabas.
Hindi income ang unang kailangan na palakihin, Disiplina ang kailangan na palakasin. At dito ko naintindihan na mas mahalaga ang Sistema kesa sa sipag. Mas mahalaga ang Ugali kesa Sweldo At ang pagyaman ay hindi lang tungkol sa pagkita ng pera, kundi sa kakayahan natin na magtira at magpalaki ng perang kinita mo.

Hindi ako mayaman na tao pero hindi rin naman po ako mahirap na tao, nasa katamtamang level lang na estado ng buhay. Kaya sa mga nabanggit ko na tatlong yan ay
Alin ang gusto mong baguhin simula ngayon buwan na ito?
Peanutswar
Legendary
*
Online Online

Activity: 2352
Merit: 2055


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
July 21, 2026, 06:53:25 AM
Merited by cryptoaddictchie (1)
 #2

1. Sa bawat dagdag na kita ay may katumbas na Gastos, Promotions? upgrade ng Lifestyle. Bonus? Shopping agad.
    Hindi lumalaki ang yaman mo kundi lumalaki lang ang monthly expenses mo.  


2. Inuuna ang Rewards bago ang Responsibility, halimbawa Bago ang cellphone, bago ang Emergency Fund.
    Bakasyon muna, bago ang Investment, Celebretion ngayon, problema naman bukas.


3. Umaasa na mas malaking sweldo ang solusyon sa lahat. Subalit hindi naiisip ng karamihan na "Mas malaking kita ay mas malaking Opportunidad",
    Pero kung pareho lang ang ugali ay pareho lang din ang magiging resulta.




Medyo isa ako sa mga nabanggit dito which is ung 1. Dahil medyo nagkakaroon nako ng extra income is medyo tumataas na din yung lifestyle ko tinatawag natin itong "Lifestyle inflation" kasabay ng pag angat ng pera natin is umaangat na din yung mga ginagastos natin na dati kaya nating mag ipon ay ngayon na kahit lumaki ang sweldo ay hirap na tayo.

Madalas na sakit kasi ng pinoy ay ang enjoy now at suffer later, or yung mga phrase ng mga magagastos "Minsan lang tayo mabuhay", "Di madadala ang pera sa hukay" pero ang totoo ay ubos biyaya lang talaga tayo mga madalas ay one day millionare tapos bukas nganga na kasi ubos na

Pero di ko mapag kakaila na iba talaga ang perks ng may pera kumbaga edge ito talaga kaya hanggat maaari iniiwasan ko maubusan kasi di natin masabi bigla ang mangyayari.
cryptoaddictchie
Legendary
*
Offline

Activity: 2884
Merit: 1598


View Profile
July 21, 2026, 08:14:50 AM
 #3

Medyo isa ako sa mga nabanggit dito which is ung 1. Dahil medyo nagkakaroon nako ng extra income is medyo tumataas na din yung lifestyle ko tinatawag natin itong "Lifestyle inflation" kasabay ng pag angat ng pera natin is umaangat na din yung mga ginagastos natin na dati kaya nating mag ipon ay ngayon na kahit lumaki ang sweldo ay hirap na tayo.
Totoo ito, once ang isang tao kasi nagincrease ang flow of money, talagang tataas ang expenditures niya. I partly guilty din sa bagay na ito pero to the point na magugulat ka na lang na nakagastos ka na pala ng ganito ganyan ng hindi mo namamalayan.

Mahirap din iretain yung dati mong nakasanayan kung unti unti nagcchange ang modern lifestyle lalo pa ngayon. Pero astig yung lifestyle inflation ah. Overall inflation din talaga ang may kasalanan. Di naman tataas ang income or money flow kung di tumataas bilihin eh.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!