
Merong nakakalat ng dice sa amin, hindi ko alam kung sino ang bumili. Pero may pumasok na ideya sa akin na gamitin ito para makagawa ng isang Bitcoin address. Ang math sa likod ay ganito. Kailangan natin ng 99 na roll ng dice dahil:
Ito ay halos katumbas ng 256-bit private key ng Bitcoin. At sabihin natin nag roll ka ng dice at ito ang kinalabasan
4 2 6 1 5 3 2 6 4 4
1 5 2 3 6 5 2 1 1 4
6 2 3 4 6 1 5 3 2 6
4 1 5 2 3 1 2 6 4 5
1 4 3 2 6 1 5 5 2 4
6 3 1 2 5 4 6 2 1 3
4 5 2 6 1 4 3 5 2 1
6 4 2 3 5 1 6 2 4 5
3 1 2 6 4 5 1 3 2
At kung pinagsama mo sila:
4261532644152365211462346153264152312645143261552463125462134526143516245312645132
Tapos a pumunta ako dito:
https://emn178.github.io/online-tools/sha256.html at pinasok ko yang pinagsamang numero; at lang lumabas ay:
511ea41752a0e8a3c1c2f4ae689d53dbb6205e9185384f0a9ac2116fae8ac91e
Pwede ka ring gumamit o gumawa ng sarili mong command katulad sa Phyton:
import hashlib
text = "4261532644152365211462346153264152312645143261552463125462134526143516245312645132"
hash_value = hashlib.sha256(text.encode()).hexdigest()
print(hash_value)
Tapos ang sunod na ginawa ko ay ang pinakamadali, punta ka sa
https://www.bitaddress.org. Pero dapat off-line ka at hindi naka konekta sa internet.
Punta ka sa wallet details, ilagay mo ang na generate kanina:
I-click ang View Details:

Ayan na ang iyong Bitcoin address, at private key.
Para i-check,
1. create new wallet sa Electrum
2. Import Bitcoin addresses or private key
3. at ilagay mo ang private key na makikita nyo
Hindi ako makapag screenshot sa Electrum, parang wala na siguro to at inalis na nila ang features na yun for security. Edit: 
Paalala lang, hindi ako eksperto, nag-aaral lang din ako as I go along the way. At ang Bitcoin address na nandito ay isang halimbawa lamang at wag gagamitin.
Pwede rin gamitin ang ganito kung gusto nyo naman ang Binary, pag nag roll ka ng 1 or 2 or 3, gawin mo itong 0. At kapat 4 or 5 or 6 naman ang resulta gawin mo itong 1. Naiisip ko rin ang baraha, isang deck na may 52 cards. Alam ko pwede mo rin gamitin ito para makapag produce ng entrophy.
Yun lang po, sana may matutunan kayo at kung gusto nyo at pwede rin kayong sumubok.

Masarap din paminsan minsan ang pag-aralan ang nasa likod ng Bitcoin address, private key o kaya public key.