Bitcoin Forum
July 23, 2026, 10:42:49 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: 99 Dice Rolls: Isang Bitcoin Address: Paano Ito Posible?  (Read 45 times)
SatsPH (OP)
Member
**
Offline

Activity: 113
Merit: 72

For JM


View Profile
July 22, 2026, 01:05:18 AM
Last edit: July 22, 2026, 04:07:59 AM by SatsPH
Merited by SFR10 (1), fullfitlarry (1)
 #1



Merong nakakalat ng dice sa amin, hindi ko alam kung sino ang bumili. Pero may pumasok na ideya sa akin na gamitin ito para makagawa ng isang Bitcoin address. Ang math sa likod ay ganito. Kailangan natin ng 99 na roll ng dice dahil:

Code:
99 × log₂(6)
≈ 255.9 bits

Ito ay halos katumbas ng 256-bit private key ng Bitcoin. At sabihin natin nag roll ka ng dice at ito ang kinalabasan

Code:
4 2 6 1 5 3 2 6 4 4
1 5 2 3 6 5 2 1 1 4
6 2 3 4 6 1 5 3 2 6
4 1 5 2 3 1 2 6 4 5
1 4 3 2 6 1 5 5 2 4
6 3 1 2 5 4 6 2 1 3
4 5 2 6 1 4 3 5 2 1
6 4 2 3 5 1 6 2 4 5
3 1 2 6 4 5 1 3 2

At kung pinagsama mo sila:

Code:
4261532644152365211462346153264152312645143261552463125462134526143516245312645132

Tapos a pumunta ako dito: https://emn178.github.io/online-tools/sha256.html at pinasok ko yang pinagsamang numero; at lang lumabas ay:

Code:
511ea41752a0e8a3c1c2f4ae689d53dbb6205e9185384f0a9ac2116fae8ac91e

Pwede ka ring gumamit o gumawa ng sarili mong command katulad sa Phyton:

Code:
import hashlib

text = "4261532644152365211462346153264152312645143261552463125462134526143516245312645132"

hash_value = hashlib.sha256(text.encode()).hexdigest()

print(hash_value)

Tapos ang sunod na ginawa ko ay ang pinakamadali, punta ka sa https://www.bitaddress.org. Pero dapat off-line ka at hindi naka konekta sa internet.

Punta ka sa wallet details, ilagay mo ang na generate kanina:

I-click ang View Details:



Ayan na ang iyong Bitcoin address, at private key.

Para i-check,


1. create new wallet sa Electrum
2. Import Bitcoin addresses or private key
3. at ilagay mo ang private key na makikita nyo

Hindi ako makapag screenshot sa Electrum, parang wala na siguro to at inalis na nila ang features na yun for security.


Edit:



Paalala lang, hindi ako eksperto, nag-aaral lang din ako as I go along the way. At ang Bitcoin address na nandito ay isang halimbawa lamang at wag gagamitin.

Pwede rin gamitin ang ganito kung gusto nyo naman ang Binary, pag nag roll ka ng 1 or 2 or 3, gawin mo itong 0. At kapat 4 or 5 or 6 naman ang resulta gawin mo itong 1. Naiisip ko rin ang baraha, isang deck na may 52 cards. Alam ko pwede mo rin gamitin ito para makapag produce ng entrophy.

Yun lang po, sana may matutunan kayo at kung gusto nyo at pwede rin kayong sumubok.  Smiley

Masarap din paminsan minsan ang pag-aralan ang nasa likod ng Bitcoin address, private key o kaya public key.
SFR10
Legendary
*
Offline

Activity: 3794
Merit: 4131



View Profile WWW
July 22, 2026, 11:04:18 AM
 #2

Hindi ako makapag screenshot sa Electrum, parang wala na siguro to at inalis na nila ang features na yun for security.
Hindi pa nawawala ang feature na ito, pero tulad ng nasabi mo, tinanggal nila ito for security reasons [by default]: Tools > Preferences > Misc > Uncheck the prevent screenshot option.


███████████████████████████
███████▄████████████▄██████
████████▄████████▄████████
███▀█████▀▄███▄▀█████▀███
█████▀█▀▄██▀▀▀██▄▀█▀█████
███████▄███████████▄███████
███████████████████████████
███████▀███████████▀███████
████▄██▄▀██▄▄▄██▀▄██▄████
████▄████▄▀███▀▄████▄████
██▄███▀▀█▀██████▀█▀███▄███
██▀█▀████████████████▀█▀███
███████████████████████████
.
.Duelbits PREDICT..
█████████████████████████
█████████████████████████
███████████▀▀░░░░▀▀██████
██████████░░▄████▄░░████
█████████░░████████░░████
█████████░░████████░░████
█████████▄▀██████▀▄████
████████▀▀░░░▀▀▀▀░░▄█████
██████▀░░░░██▄▄▄▄████████
████▀░░░░▄███████████████
█████▄▄█████████████████
█████████████████████████
█████████████████████████
.
.WHERE EVERYTHING IS A MARKET..
█████
██
██







██
██
██████
Will Bitcoin hit $200,000
before January 1st 2027?

    No @1.15         Yes @6.00    
█████
██
██







██
██
██████

  CHECK MORE > 
fullfitlarry
Sr. Member
****
Offline

Activity: 434
Merit: 329


You Attract What You Are


View Profile
Today at 08:04:10 AM
 #3

Ayos to ah, ngayon ko lang nalaman na pwede pala ang dice. Ang alam ko lang dati eh yung toss coin o coin flip. Tapos ganun din i-convert sa hex.

Siguro marami pa talagang paraan para makabuo ng 256 bits na private key. At tama, mahirap maintindihan ang konsepto ng private key pero ang sarap aralin para at least may alam naman tayong konti sa background ng Bitcoin.

Antayin naman namin yung sinasabi mo sa baraha at parang mas kumplikado yata to sa nakikita ko.

Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!