Isang magandang story na naman ang pinost ng Bitcoin magazine.
Kung saan isang kilalang personalidad ay nagbahagi kung pano sya kumita ng 115 Bitcoins noong bago pa lang si Bitcoin.

Tsaka nakakatuwa din ang interview nya dito sa Coindesk
https://www.youtube.com/watch?v=VobVgBR779g at inexplain nya kung pano yun nangyari at ang maganda pa dito ay nakahold pa ito hanggang ngayon.
Sa mga story na to makikita natin marami talagang magandang kaganapan dati, na kung saan yung early investors or di kaya yung mga tumanggap ng Bitcoin sa mga gig nila ay kumita ng malaki ng di nila inaasahan kay Bitcoin.
Wala talaga syang knowledge about Bitcoin pero tinanggap nya parin ito. Kung kayo nasa lugar nya tatanggap ba din kayo ng currency na di nyo alam? or gaya lang din ng iba na palalampasin lang ito?