Bitcoin Forum
October 27, 2026, 03:52:17 AM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: PAX SILICA  (Read 279 times)
blockman (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3808
Merit: 688

AntiSwap.io - NO AML/KYC EXCHANGER MONITORING

View Profile
July 25, 2026, 11:09:57 AM
Last edit: July 25, 2026, 07:56:11 PM by blockman
Merited by cryptoaddictchie (1), SatsPH (1)
 #1

Wala pang topic nito dito kaya naisipan kong gawin ito. Trending din ito sa social media, ito yung summary para sa project na ito.

Location: New Clark City Capas, Tarlac
Size/lot area: 1,620 hectares (sabi sa estimation parang 27 times na kasing laki ng Mall of Asia)
Potential jobs: 100k - 190k jobs
Purpose: AI and manufacturing hub (mga semi-conductor products, chips, data centers, etc.)

Ngayon, ito yung quick info para mas madali nating maunawaan ito.  

Madami against sa project na ito kasi ito yung mga concern;

1. Agricultural/ancestral land - may mga waste products itong magiging AI, manufacturing center/hub na ito at posibleng magkaroon ng kontaminasyon sa mga bukirin malapit sa lugar.

2. Tubig - dahil mainit ang mga computers, kaya nangangailangan ito ng estimation na halimbawa sa pinakamababa nalang na si Meta ay around 1.4 billion ng gallons ng tubig(2024). Pinaka marami si google na estimate na kumonsumo ng 6.4 billion ng gallon ng tubig noong 2023, 2M+ to 3M na gallon sa bawat araw na operasyon. Sa pagsesearch ko, si Pax Silica ay may estimation na 1.8 to 2.5 billion gallons per year or pinakamababa na 5 million gallons per day.

Tandaan natin na may El Nino ngayon at yung mga malalaking dam sa bansa natin ay below water level na at hindi sumapat yung mga bagyong dumaan.

3. Kuryente - bagamat may mga source tayo ng kuryente, may solar energy. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na madami pa ring area ang hindi na susuplyan ng kuryente at ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) wala naman daw dapat ikabahala dahil may mga dedicated solar farms na magsusupply sa kanila. Pero hindi pa rin maaalis na yung konsumo ng magiging operasyon sa Pax Silica ay malaki na posibleng maka apekto sa mga naninirahan sa palibot sa lugar na yun.

May mga iba pang concerns pero ito lang nilista ko sa mga pinakamahahalaga.

May ganitong concern din sa US na may mga data centers at may isang US representantive na si Alexandria Cortez na nagpakita ng dalawang jar ng tubig na galing sa area ng operations nitong hubs na ito sa Morgan, Georgia. Dalawang area na residential wells ang pinagkunan niya ng maduming tubig na dulot ng operasyon ng meta data center na ito sa lugar na yan. Yung dating malinis na inumin ng tubig, naging madumi at may putik na.

Hindi ko na hahabaan, ano ang masasabi niyo? may kapalit bang singil ang kalikasan sa project na ito? o pabor ba kayo dahil magkakaroon ng madaming trabaho para sa mga pinoy? isang tanong pa, para nga ba sa ating mga kababayan ang magiging mga trabaho na manggagaling sa Pax Silica?
abel1337
Legendary
*
Offline

Activity: 2646
Merit: 1152

BiggerZ.com Ambassador - Ready to Help

View Profile WWW
July 26, 2026, 09:35:33 PM
 #2

Sobrang hati ang opinion ng tao sa social media about pax silica. I personally a has a negative opinion on this. Nakatira ako malayo sa potential site ng project but I know sa mga malalapit ay sobrang maapektuhan ng project naito given na ang disadvantage nito ay uubusin ang resources natin like water, electricity, precious metals at iba pa.

May mga positive sides din dito like new job opportunities, business opportunities and international investor potential but for me na ouout weight ng negative ang positive side ng project na ito.

I'm an AI user and patron pero it's not enough reason para maipag tangol ko na mag build sila ng pax silica dito sa country natin. Nakita na natin ang negative effects nito sa ibang bansa like US, kaya nga nila gusto mag build sa ibang country kasi alam nila na mabigat ang negative effects nito in the upcoming years.
blockman (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3808
Merit: 688

AntiSwap.io - NO AML/KYC EXCHANGER MONITORING

View Profile
July 27, 2026, 07:18:24 PM
 #3

Bigla nga lang din nag appear sa feed ko yung mga videos na may content na negative effects ng mga ai data centers sa US. Nagiging madumi nga yung tubig at sana bago mangyari yan sa mismong site nitong pax silica ay mapigilan yan. Pabor ako na magkaroon ng madaming trabaho kasi nga malaking tulong yan at nabanggit din sa sona ng pangulo yan. Pero sana maprotektahan muna ang kalikasan at magkaroon ng totoong planning na kung saan sila mag source out ng tubig para sa cooling ng mga computers nila. Kasi kung maganda yan, dapat doon na yan sa mayayamang bansa tinayo at hindi dito sa atin.
SatsPH
Full Member
***
Offline

Activity: 238
Merit: 128

View Profile
July 29, 2026, 02:29:14 AM
 #4

Teka hindi naman yata first time na magkakaroon tayo ng ganitong klaseng hub? I mean with regards to other semiconductor companies na marami sa bansa natin na nasa Cavite at Laguna. Decades na sila nandito at malaki rin ang lupang kinatitirikan nila? At nag kukunsumo rin ng malaking elektrisidad? Dami may manufacturing facilities and intel sa bansa natin, Yes, ang Intel Inside na ginagamit ng karamihan sa atin ngayon sa mga PC at Laptop natin ay once dito pina process sa Cavite. Kahit ang AMD (hindi ko lang sure kung nasa Cavite pa sila ngayon). At marami pang bigatin na pangalan na nagsimula ang lahat sa ating bansa.

So bakit nila haharangin o kukontrahin ting PAX SILICA? Kaya nakakapagtaka lang na hindi nila maintindihan ito sa ngayon at parang ngayon lang nila i-raise ang mga tanong na yan eh dati pang may mga hub tayo sa bansa.

Edit: kung kontra sila dito dapat lahat ng manufacturing at semi con companies dito sa atin at ipasara na rin nila.
blockman (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3808
Merit: 688

AntiSwap.io - NO AML/KYC EXCHANGER MONITORING

View Profile
July 29, 2026, 08:31:39 PM
 #5

Tama ka at parang naalala ko nga na may Intel dito sa atin dati pero wala na rin pala siya ngayon. Umalis na din pala sila noong 2009 kung tama yung pagkakaresearch ko. Ang pinagkaiba kasi nitong PAX SILICA kaya madaming disagree ay yung sa konsumo ng tubig, hindi lang sa kuryente nagwoworry ang mga tao pati na rin sa tubig dahil hindi lang ito magiging manufacturing plant ng mga chips at semi conductors, magiging AI facilities at hub na din na madaming computers ang kailangan at need nila ng tubig para mapapa ang temperature ng mga computers nila. Although may mga pangit din namang epekto yang mga manufacturing plants na yan sa atin tungkol sa waste product. Siguro ang pinaka magandang gawin nalang dito ay i-balanse at magkaroon ng pag-aaral at ipakita sa mga tao na paano nila sosolusyunan yung tungkol sa posibleng pagdumi at shortage ng tubig pati na rin ng supply ng kuryente.
SatsPH
Full Member
***
Offline

Activity: 238
Merit: 128

View Profile
July 30, 2026, 10:09:59 AM
 #6

Hindi kaya sobra sobra tayo sa tubig na nagbabaha na nga ang buong bansa natin?  Grin Kidding aside, marami naman talaga tayong source ng tubig, mga private company na to kaya pwede silang gumawa ng paraan kung ito lamang ang isa sa mga pinoproblema nila. Tapos pag napag-iwanan tayo pag dating sa AI magsisisihan na naman ang mga nakaupo.

At sinasabi na ang AI ang future, so ganun din doon din ang patututunguhan natin kaya mas maganda na mauna na tayo. Maraming mga Pinoy ang malulupit ang utak at baka manguna pa tayo sa South East Asia kung saka sakali pa dating sa teknolohiya na to.
blockman (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3808
Merit: 688

AntiSwap.io - NO AML/KYC EXCHANGER MONITORING

View Profile
July 30, 2026, 11:45:32 AM
 #7

Totoo na madami tayong source ng tubig kung tama lang talaga yung distribution at sana mas maganda kung government sector ang magdedevelop ng water source natin at hindi mga private companies. Kasi kung dadaan pa yan sa private companies, madaming red tape yan at pagmumulan lang din yan ng lagay at korapsyon. Ganun din naman kapag public pero mas matutuloy yan dahil hindi pwedeng pigilan dahil nga approved naman at mismong government ang gagawa. Madami talagang dapat isaalang alang tungkol dito sa PAX SILICA. Gusto natin umangat at makahabol sa AI race at ang Taiwan din naman ang number 1 sa semi conductor production sa buong mundo kahit na sobrang liit na bansa. Nakapaligid pa tayo sa dagat kaya pwede ring gamitin yun kung sa cooling ng mga chips. Malaking opportunity, may part ng isip ko na disagree at meron din namang part na agree ako. Need lang talaga ng balanseng take at assurance sa gobyerno at mga kasapi na private sector sa pag develop diyan na hindi magkakaroon ng pangit na balik sa mga tao sa paligid niyan lalong lalo na mga magsasaka at mga katutubo sa area.
Mr. Magkaisa
Hero Member
*****
Offline

Activity: 1638
Merit: 501

Bet25.com - Smart Crypto Casino

View Profile
August 11, 2026, 03:24:46 AM
Merited by cryptoaddictchie (1)
 #8

Potential jobs: 100k - 190k jobs

Mas madadagdagan pa ito dahil sa yung number is the inner circle plang.. estimated more than 300,000 jobs (this is a huge addition sa ating bansa)

Ngayon, ito yung quick info para mas madali nating maunawaan ito.  

Quote
1. Agricultural/ancestral land - may mga waste products itong magiging AI, manufacturing center/hub na ito at posibleng magkaroon ng kontaminasyon sa mga bukirin malapit sa lugar.
Sa agrikultura at ancestral issue, walang positibo dito, Negatibong epekto at talagang mawawala ang mga ito sa mapa at mapapalitan ng isang makabagong lugar, buildings and new stablishments.
Positibo: Magarbong lugar na mapapatayuan ng makabagong teknolohiya, bukod dito magkakaroon ng mga mall at resto pati mga condo sa mga kalapit na lugar.
Yung mga nagmamay-ari ng lupa sa mga karatig ay magkakaroon ng pagbulusok sa value ng kanilang ari-arian.

Quote
2. Tubig - dahil mainit ang mga computers, kaya nangangailangan ito ng estimation na halimbawa sa pinakamababa nalang na si Meta ay around 1.4 billion ng gallons ng tubig(2024). Pinaka marami si google na estimate na kumonsumo ng 6.4 billion ng gallon ng tubig noong 2023, 2M+ to 3M na gallon sa bawat araw na operasyon. Sa pagsesearch ko, si Pax Silica ay may estimation na 1.8 to 2.5 billion gallons per year or pinakamababa na 5 million gallons per day.
Ayon sa PAX SILICA magkakaroon ng teknolohiya upang mapababa ang konsumo ng tubig, pangunahing gamit kasi nito ay pagpapallamig sa mga kagamitan kaya magkakaroon ng cooling system na ang tubig ay magpapaikot ikot lamang sa tube na magpapalamig sa mga system.

-Nakakatakot lang sa ngayon dahil wala pa naman nakalatag na plano, puro salita plang at hindi natin mapanghahawakan ito hanggang walang kontrata at kasunduan idagdag pa natin ang kurakot na gobyerno! mapagkakatiwalaan ba natin ang DENR sa ganitong ? kung ang mga minahan sa Sierra madre at hindi magawa ng tama!

Quote
Tandaan natin na may El Nino ngayon at yung mga malalaking dam sa bansa natin ay below water level na at hindi sumapat yung mga bagyong dumaan.
-hindi na nned ng El nino para dito, kinakapos talaga tayo sa tubig at sa paglaon ng panahon mas kakapusin tayo dahil sa paparami ang populasyon, papataas ang deman sa tubig at mas umiinit ang panahon.
Naging kritkal ang uimbakan ng tubig natin noong nakaraang linggo!

Quote
3. Kuryente - bagamat may mga source tayo ng kuryente, may solar energy. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na madami pa ring area ang hindi na susuplyan ng kuryente at ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) wala naman daw dapat ikabahala dahil may mga dedicated solar farms na magsusupply sa kanila. Pero hindi pa rin maaalis na yung konsumo ng magiging operasyon sa Pax Silica ay malaki na posibleng maka apekto sa mga naninirahan sa palibot sa lugar na yun.

Kaya pla gustong buhayin ang Nuclear plant, Hindi sa kontra ako, actually nanghihinayang ako sa Bataan Nuclear Power plant natin na hindi nagamit. Hindi nasayang ang pera natin bagkus SINAYANG dahil hindi pinagana dahil sa issue ng politika.
Malaki ang magiging epekto nito sa mga kabahayan, magkakaroon ng malawakang brown-out sa mga karatig, dapat muna nila ipakita ang sinserong pagpapaganda ng serbisyo sa kuryente, mayroon pa ngang mga rotqational brown-out kahit andito  sa Luzon. Hindi sasapat ang solar farm sa kuryenteng kailangang ng PAX.

Pabor ako sa PAX SILICA sa maibibigay nitong trabaho sa ating mamayan, dahil kapos na kapos tayo dito. Kung sakali dapat manaig ang batas ng Pilipinas na sundin ng PAX pero dahil sa USA project ito sana ang pasahod ay higit na malayo sa Pinas o US rate. Maraming maibibgay na oportunidad ito sa mga bagong business o pangkabuhayan sa mga karatig lugar. Magkakaroon ng magandang drainage system for sure. magkakaroon ng development sa mga daanan.

Hindi ako pabor:

1. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga sangay ng gobyerno o mismong gobyerno na uunahin ang kapakanan ng mga mamayan lalo na sa mga malalapit.
2. Hindi natin sigurado ang katapatan upang mapaunlad ang bansa bagkus uunahin ang pang sariling interes o UNDER THE TABLE.
3. Puro palang drawing at plano, walang pinapakita na visual upang magtiwala ang taumbayan.
4. Kulang at pangit ang supply ng tubi at kuryente kaya lubos itong nakakabahala.
5. marami paaaa
blockman (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3808
Merit: 688

AntiSwap.io - NO AML/KYC EXCHANGER MONITORING

View Profile
August 11, 2026, 06:24:00 PM
 #9

~
Sa agrikultura at ancestral issue, walang positibo dito, Negatibong epekto at talagang mawawala ang mga ito sa mapa at mapapalitan ng isang makabagong lugar, buildings and new stablishments.
Positibo: Magarbong lugar na mapapatayuan ng makabagong teknolohiya, bukod dito magkakaroon ng mga mall at resto pati mga condo sa mga kalapit na lugar.
Yung mga nagmamay-ari ng lupa sa mga karatig ay magkakaroon ng pagbulusok sa value ng kanilang ari-arian.
~
Ayon sa PAX SILICA magkakaroon ng teknolohiya upang mapababa ang konsumo ng tubig, pangunahing gamit kasi nito ay pagpapallamig sa mga kagamitan kaya magkakaroon ng cooling system na ang tubig ay magpapaikot ikot lamang sa tube na magpapalamig sa mga system.
-Nakakatakot lang sa ngayon dahil wala pa naman nakalatag na plano, puro salita plang at hindi natin mapanghahawakan ito hanggang walang kontrata at kasunduan idagdag pa natin ang kurakot na gobyerno! mapagkakatiwalaan ba natin ang DENR sa ganitong ? kung ang mga minahan sa Sierra madre at hindi magawa ng tama!
~
-hindi na nned ng El nino para dito, kinakapos talaga tayo sa tubig at sa paglaon ng panahon mas kakapusin tayo dahil sa paparami ang populasyon, papataas ang deman sa tubig at mas umiinit ang panahon.
Naging kritkal ang uimbakan ng tubig natin noong nakaraang linggo!
Tapos na yung El Nino next year sa 2nd quarter ata kaya siguro magiging ok na din yung mga sakahan pero hindi nangangahulugan na hindi pa rin magkakaroon ng shortage. Interesting yung tungkol sa technology na sinasabi nila para sa tubig kasi ang daming mga nagsasabi na sobrang daming gallons ng tubig ang kailangan nila taon taon. Kaya imbes na mapunta sa pangangailangan ng mga nasa karatig lugar yung tubig na yun, gagamitin lang para sa data o Ai center nila. Bukod pa yung ibang pasilidad na nasa PAX Silica tulad ng manufacturing, sa isang data center palang yun. Mas maganda talaga mabigyan ng linaw kung ano yung plano ng BCDA kasi tama din naman ang mga kababayan natin tungkol sa magiging bunga niyan kapag natayo na yan.

Kaya pla gustong buhayin ang Nuclear plant, Hindi sa kontra ako, actually nanghihinayang ako sa Bataan Nuclear Power plant natin na hindi nagamit. Hindi nasayang ang pera natin bagkus SINAYANG dahil hindi pinagana dahil sa issue ng politika.
Malaki ang magiging epekto nito sa mga kabahayan, magkakaroon ng malawakang brown-out sa mga karatig, dapat muna nila ipakita ang sinserong pagpapaganda ng serbisyo sa kuryente, mayroon pa ngang mga rotqational brown-out kahit andito  sa Luzon. Hindi sasapat ang solar farm sa kuryenteng kailangang ng PAX.
Maganda talaga na magkaroon pa tayo ng mga other sources ng energy dahil sobrang mahal ng kuryente ngayon. Kung para lang sa PAX Silica ang magiging source ng nuclear power plant sa Bataan, grabeng backeran ang mangyayari pero sana makinabang din ang mga tao at residential kapag ibalik nila yan.

Pabor ako sa PAX SILICA sa maibibigay nitong trabaho sa ating mamayan, dahil kapos na kapos tayo dito. Kung sakali dapat manaig ang batas ng Pilipinas na sundin ng PAX pero dahil sa USA project ito sana ang pasahod ay higit na malayo sa Pinas o US rate. Maraming maibibgay na oportunidad ito sa mga bagong business o pangkabuhayan sa mga karatig lugar. Magkakaroon ng magandang drainage system for sure. magkakaroon ng development sa mga daanan.

Hindi ako pabor:

1. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga sangay ng gobyerno o mismong gobyerno na uunahin ang kapakanan ng mga mamayan lalo na sa mga malalapit.
2. Hindi natin sigurado ang katapatan upang mapaunlad ang bansa bagkus uunahin ang pang sariling interes o UNDER THE TABLE.
3. Puro palang drawing at plano, walang pinapakita na visual upang magtiwala ang taumbayan.
4. Kulang at pangit ang supply ng tubi at kuryente kaya lubos itong nakakabahala.
5. marami paaaa
Parehas tayo na may pabor pero dapat talaga magkaroon ng linaw ang mga tanong ng tao. Kaya sa bandang huli hindi din ako pabor dahil sa pamumuno ngayon. Parang hindi sila maayos magpaliwanag kung ano ba talaga ang mangyayari after. Kahit yung mga nasa karatig lugar ng area na yan pinapaalis na at nakakalungkot gustong bilhin mga lupain nila sa halagang 30 pesos per square meter.
Mr. Magkaisa
Hero Member
*****
Offline

Activity: 1638
Merit: 501

Bet25.com - Smart Crypto Casino

View Profile
August 15, 2026, 05:01:10 AM
 #10

The planned Pax Silica manufacturing hub in New Clark City in Capas, Tarlac province, could require up to 90 million liters of water a day, according to the Bases Conversion and Development Authority (BCDA), raising questions over whether the area can sustain the project without affecting existing supplies.

This is too much kung ito yung magiging konsumo na dapat iaddress ng project AGAD AGAD!

Isa pang problema na dapat mabantayan ng publiko ay ang masasagasaan ng PAX Silica ang ang teritoryo ng mga Aeta na mahigit Isang libo na katauhan ang maapektuhan.
Buhay ito na mahalaga bata at matanda, bukod doon Isa sila sa institusyon ng Pilipino mula pa noon, mga lahji na ating pinagmulan.
blockman (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3808
Merit: 688

AntiSwap.io - NO AML/KYC EXCHANGER MONITORING

View Profile
August 15, 2026, 05:32:19 PM
 #11

Pinapaalis na nga sila sa mismong mga lupa nila dahil sa project na ito. Wala talagang pakialam ang gobyerno natin pagdating sa respeto at pagpreserve ng area ng mga indigenious tribes tulad ng aeta. Walang wala sila kumpara sa mga tao na nakakaunawa ng kahalagahan ng lupa na galing pa sa mga ninuno nila. Bukod pa yan sa sobrang daming tubig ang kailangan nilang ikonsumo para diyan. Bakit hindi sila gumawa ng flood ways para maimbak yung tubig sa mga bahaing lugar na papunta diyan para siguradong walang maging problema sa tubig kung tubig baha ang kukunin nila.
Mr. Magkaisa
Hero Member
*****
Offline

Activity: 1638
Merit: 501

Bet25.com - Smart Crypto Casino

View Profile
August 16, 2026, 02:40:50 AM
 #12

WALA KASING PROYEKTO SI MARCOS JR!!!  puro pang-aagaw ng credit ang ginagawa nya pati bus at building sa Davao ginawa na..

well back to the topic, Ito ang magiging pinakamalaking proyekto ng administrasyon bukod sa overpass sa kamuning kung sakaling matuloy dahil puro ayuda lang ang kanyang ginagawa.
Kaya mahalaga ito sa Presidente. Pero napakaraming NEGATIFVE EFFECT nito sa PInas na pwede magawan ng paraan kung magiging tapat ang gobyerno!
Pero sa ngayon, malaman irelocate yan sa mga ISKWATER! wag naman sana.
blockman (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3808
Merit: 688

AntiSwap.io - NO AML/KYC EXCHANGER MONITORING

View Profile
August 16, 2026, 05:39:22 PM
 #13

Oo nga, parang wala nga siyang tanggi at gustong i-push talaga itong Pax Silica. Kahit sobrang dami ang may ayaw at concerned na 90M+ gallons per day ang ikokonsumo, di sila nababahala. Samantalang pinapalayas na nila yung mga katutubo at binili pa ng sobrang mura yung mga lupa nila na parang pamigay nalang sa kaniya. Kaya parang ito nga yung magiging ticket project ng administrasyon ngayon kung sakaling matapos na yung termino nila. At least parang may ipagmamalaki sila na nagkaroon ng ai hub o data center sa bansa bago siya umalis.
Mr. Magkaisa
Hero Member
*****
Offline

Activity: 1638
Merit: 501

Bet25.com - Smart Crypto Casino

View Profile
October 19, 2026, 06:53:35 AM
 #14

Magandang mapanood ito ng lahat mga kabayan, Ito yung hinahanap ng karamihan ng Pilipino galing sa Pax Silica at sa mismong mga hanay ng gobyerno o sa mismong administrasyon upang maliwanagan ang mga Pinoy.
Hindi ito biro, dapat merong nakalatag, may paliwanag, pirmado, selyado. hindi maaari ang pangako

AI Vision
blockman (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3808
Merit: 688

AntiSwap.io - NO AML/KYC EXCHANGER MONITORING

View Profile
October 20, 2026, 05:38:40 AM
 #15

Magandang mapanood ito ng lahat mga kabayan, Ito yung hinahanap ng karamihan ng Pilipino galing sa Pax Silica at sa mismong mga hanay ng gobyerno o sa mismong administrasyon upang maliwanagan ang mga Pinoy.
Hindi ito biro, dapat merong nakalatag, may paliwanag, pirmado, selyado. hindi maaari ang pangako

AI Vision
Ganyan sana yung mga aktibista sa atin, kaso nagiging politics din kasi yung mga aktibista sa atin. Walang transparency sa Pax Silica at totoo yun. Kita naman sa mga news report unang una palang sa mga tao na nagmamay-ari ng lupa na pagtatayuan ng pasilidad na yan. Noong una, nakikita ko pa yung progreso na magiging maganda yan kasi nga ang daming trabaho na ige-generate niyan which is totoo naman. Pero kung yung natural resources natin ay mostly mapupunta lang diyan at masasakripisyo yung para sa mga tao, dapat talaga ipaliwanag nila ng maayos kung saan sila kukuha ng tubig para sa cooling system ng mga computers nila diyan. Kung may desalination treatment facility sila pwede pa kasi manggagaling sa dagat yun. Yung sa data centers sa ibang bansa, nakita ko yung mga residente na maduduming tubig ang lumalabas sa gripo nila simula noong nagkaroon ng data center sa residential area nila.
Milaagros
Newbie
*
Offline

Activity: 9
Merit: 0

View Profile
October 23, 2026, 10:10:50 AM
 #16

I think related naman talaga sa politics yung pagiging activist. Unless you mean nagiging pro sila, imbes na mag oppose sa mga maling hakbang nang gobyerno. Maybe may ganun talaga na balimbing at madali lang nababayaran ng pera ang kanilang puri.

It is said na 130k jobs daw ang ma cecreate neto. Pero sure na nga ba? Baka isa lang to sa promise na naman na mapapako at ang mag bebenefit lang ng husto ay yung mga nasa taas. Besides, I think modern jobs mostly eto. So pano naman yung maapektuhan like farmers? Isa pa na maapektuhan is yung kagaya ng sabi mo ay mga resources.

Since this is a big project, malaki din for sure nakalaan na capital dito at enough na siguro yan para mag invest sa desalination treatment facilities, para lang di maapektuhan ng husto ang mga tao. At isa pa, sana ilaan din ang ibang percent ng pondo para malagay sa maayos na sitwasyon ang mga maapektuhan dito. You know, bigyan ng maayos na relocation sites or pabahay and jobs. Yan ay kung walang corruption.

Bout sa ibang bansa na may maduming tubig. It is possible na temporary effect lang din ito, as long as na maayos ang pag kagawa.
blockman (OP)
Hero Member
*****
Offline

Activity: 3808
Merit: 688

AntiSwap.io - NO AML/KYC EXCHANGER MONITORING

View Profile
October 24, 2026, 12:38:04 PM
 #17

I think related naman talaga sa politics yung pagiging activist. Unless you mean nagiging pro sila, imbes na mag oppose sa mga maling hakbang nang gobyerno. Maybe may ganun talaga na balimbing at madali lang nababayaran ng pera ang kanilang puri.
Yung comparison ko kasi kaya related sa politics ay ginagamit itong mga totoong aktibista ng mga pulitiko. Kaya kahit may mga totoong paninindigan sila na may point naman talaga sila ay nawawala yung totoong pinaglalaban nila dahil nababayaran sila kapag sa mga mahahalagang issue ng lipunan natin na dapat din nilang ipaglaban.

It is said na 130k jobs daw ang ma cecreate neto. Pero sure na nga ba? Baka isa lang to sa promise na naman na mapapako at ang mag bebenefit lang ng husto ay yung mga nasa taas. Besides, I think modern jobs mostly eto. So pano naman yung maapektuhan like farmers? Isa pa na maapektuhan is yung kagaya ng sabi mo ay mga resources.

Since this is a big project, malaki din for sure nakalaan na capital dito at enough na siguro yan para mag invest sa desalination treatment facilities, para lang di maapektuhan ng husto ang mga tao. At isa pa, sana ilaan din ang ibang percent ng pondo para malagay sa maayos na sitwasyon ang mga maapektuhan dito. You know, bigyan ng maayos na relocation sites or pabahay and jobs. Yan ay kung walang corruption.
Yan yung isa sa nakakalungkot na kawawa yung mga farmers natin pati yung mga katutubo na tatamaan ng proyekto na yan. Wala silang kongkretong plano kung ano ba talaga ang magiging benepisyo o kapalit sa kanila. Ang sabi lang ay parang bibilhin ang lupa nila pero sa murang halaga, pagkatapos nun ay wala na. Sa mga trabaho, may mga menial jobs din siguro na makakapagbigay sa mga pinoy diyan sa mismong area ng pax silica pero mostly nga mga modern at skilled jobs yan na related sa tech.

Bout sa ibang bansa na may maduming tubig. It is possible na temporary effect lang din ito, as long as na maayos ang pag kagawa.
Sa mga napanood ko, parang matagal na nilang naranasan after magawa ng facility pero sana nga temporary lang at kung matuloy man ito ay hindi maranasan ng mga residential areas.
Peanutswar
Legendary
*
Offline

Activity: 2436
Merit: 2217

Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL

View Profile
October 26, 2026, 01:17:42 AM
 #18

Isa dapat ang pinas sa pinaka mayaman eh lalo na marami tayong mga puno, malapit sa dagat at mga minerals pero ang nangyayari pinipilit ng gobyerno natin na mag implement ng mga buildings na sinisira nila ang mga yaman dito sa pinas para sa mga ito tulad ng data miners dahil malaki ang kabig nila at makukuha talagang a-agree sila sa mga ito, sobrang lala ng pinas.

Ang ironic lang din kasi nakikita no to pax silica sila tapos todo gamit sila ng AI. Pinakita na din ang resulta ng data mining sa ibang bansa at dito sa pinas kung gaano nito sinisira ang mga kalikasan at kalinisan ng tubig, sana naman matuto na yung mga tao na bumoto ng tama para naman di lang puro pera.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!