Tama nga naman siya na kapag maghohold ka lang ng bitcoin na nasa 4months lang, 4 weeks, o ilang araw lang ay makakaramdam ka nga lang naman ng Anxiety, at kapag 4 years ka naman naghold ng Bitcoin ay mas okay ang kalalabasan at kapag 10 years or more ay isa ka namang Henyo na sa tingin ko ay ganun ang aim nya kung bakit siya bili ng bili nitong Bitcoin. Sapagkat lahat nga naman ng naghold ng bitcoin sa long-term ay hindi pa natalo sa huli.
Magkakaroon ka talaga ng anxiety kapag malaking pera ang ipinasok mo at ito ay pera ng kumpanya. Ang kaibahan kasi ng perang personal ay ikaw lang ang magsu-suffer financially, pero kapag pera ng company, katulad ng ginawa ni Michael Saylor, magsu-suffer ang finances ng company, na magdudulot ng bankruptcy, at dahil dito, maraming taong involved sa company ang magsu-suffer.
Personally, sa experience ko, malaking bagay talaga ang mindset at disiplina sa pamamahala ng finances mo. Kung magho-hold ka, dapat siguraduhin mo na may emergency money ka; so if ever na may mangyari, hindi mo ito magagalaw. Bukod pa doon, malakas ang self-control mo na huwag mo itong ibenta kahit nalulugi ka na.