Nabalitaan ko na tinanggal na rin ang OKX app sa Philippine Google Play Store. [1] Nauna na rin dati ang Binance at Bybit dahil wala silang local registration dito sa Pilipinas.
Ang tanong lang, effective ba talaga itong pagtanggal ng app?
Sa Binance kasi, kahit tinanggal na sa Play Store at may website blocking pa, marami pa rin yatang Filipino users ang gumagamit hanggang ngayon. Yung iba may app na dati pa, habang yung iba naman nakakahanap lang din ng ibang paraan para makapasok.
Baka ganito rin ang mangyari sa OKX. Mahihirapan lang siguro ang mga bagong users mag-download, pero yung mga existing users baka tuloy lang din.
Gets ko naman yung reason ng SEC. Mahirap kasi protektahan ang users kapag foreign exchange at walang registration dito. Pero marami rin talagang mas gusto ang international exchanges dahil mas maraming coins, mas mataas ang liquidity, at kadalasan mas okay ang fees.
May gumagamit pa ba ng OKX dito? Ililipat n’yo ba funds n’yo sa local exchange, o tuloy lang habang gumagana pa?
Source:
[1]
OKX App Removed From Google Play in the Philippines