Mga kaibigan,
May nakita ako ngayong araw na talagang nag alala sa akin, kaya naisip kong magbigay ng mabilis na warning sa ating mga kapatid dito sa local forum. Para sa mga gumagamit ng Coldcard hardware wallet para sa Bitcoin storage, mukhang medyo risky ang situation sa ngayon.
Nagbigay ng impormasyon ang Coldcard:
- Mahigit 1128.4717 BTC na ang na-drain sa ngayon.
- Kung nag-generate ka ng iyong seed gamit ang version 4.0.1 at mas bago sa Mk3, ang yong fund ay nasa malaking risk.
- Sinabi rin nila na ang Mk4, Q, at Mk5 ay hindi apektado.
Pero masasabi ko na mas mabuting iwasan muna ang paggamit ng buong Coldcard storage. Para sa akin, mukhang vulnerable ang lahat ng kanilang device.
Mga kapatid, ang security ang pinakamahalagang bagay sa crypto. Isang bagay na lagi kong sinusunod ay hindi ko kailanman inistore ang lahat ng aking Bitcoins sa iisang wallet.
Hindi ko sinasabi na gumawa lang kayo ng separate accounts sa loob ng isang wallet. Kung gusto ninyong maging safe, dapat gumamit kayo ng magkakaibang trusted wallet brands.
Kung gumagamit ka ng Electrum, siguraduhin na mag-set ka ng isang malakas na passphrase kapag gumagawa ng bagong wallet.
Sa ganitong paraan, hindi ito madaling ma-crack gamit ang brute-force attack.
Sa parehong paraan, hatiin din ang iyong fund at itago ang mga ito sa iba pang magaganda at trusted wallet brands.
Ito ang mas ligtas na paraan.
Vendor advisory post:
https://blog.coinkite.com/coldcard-mk3-seed-generation-warningTechnical deep dive:
https://blog.coinkite.com/entropy-technical-backgrounderBasahin ang reaction ng community:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5589927