Ano nga ba ang natutunan natin sa Coldcard incident?
Para sa akin, unang una, ito ay parang reality check. Kasi parang ang pagkaka-intindi natin ay kapag bumili na tayo ng hardware wallet at nag tago dito para sa mahabang panahon ay ligtas na tayo, hindi pala. Hindi naman ibig sabihin ay masama ang Coldcard, isa ito sa mga respetadong kumpanya. Ngunit:
- wala talagang software na 100% libre sa mga bugs
- walang hardware na perpekto at walang kahinaan.
Don't trust, but verify. Itong prinsipyo na to ay ngayon at challenge dahil sa insidenteng to. Diba ang pangaral nga ay alisin ang coins sa mga exchange at ilagay sa wallet na tayo ang may kontrol.
Kaya mapapatanong ka na lang, kung hardware wallet ang magkakaproblema tayo, masasabi ba natin na ang self-custody ang pinaka ligtas para sa atin? Kaya naiisip ko rin na ang pagbili at paggamit ng hardware wallet ay simula lamang ng mas malaking responsibilidad natin, at hindi ito ang katapusan.
Kasama sa responsibilidad na to ay ang pag-update ng firmware software at iba pa.
Iiwan ko na lang sa inyo ang mensahe ng isang biktima sa insidente na to:
https://www.reddit.com/r/Bitcoin/comments/1vcz2ce/victim_of_the_coldcard_years_of_dca_bitcoin_gone/