Nakita ko lang sa Facebook news feed ko. It looks like nag start na sila mag hunt down ng mga influencers na hindi pa rin tumitigil sa pag promote ng illegal/unregulated online casinos.
Yung list na pinost ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center - CICC sa FB ay batch 1 of 7, so may anim pa silang list na ilalabas.

source:
https://www.facebook.com/photo?fbid=1409794588009943&set=pcb.1409358334720235Dati pa naman ding nag huhunt ang CICC ng mga influencers na nag promote ng illegal online na sugal na yan. Pero patuloy parin ang mga yan. Akala siguro nila di sila seseryosuhin ng gobyerno kaya baliwala lang sa kanila ang mga warnings nato.
Kaya dapat umaksyon na ang government at e take down na yung mga page na nag promote ng mga ganyan dahil bad influence sila sa mga nanonood sa kanila, lalo na dun sa mga bata na makakapanood ng video nila.
Dapat na talagang buwagin yang mga pages na yan, ginatasan na nila mga tao dahil diyan. Problema sa Meta rin kasi, pilit paring may unban na nagyayari or merong specific lang na nababan. Sana talaga meron ng masampolan diyan, mabigat rin pala yung parusa sa mga lumalabag rito. Sana walang kilingan yung batas kasi andami naman talagang mga personalidad na nagpropromote niyan. Sa tingin mo may mapapatawan ng parusa dahil diyan? Minsan kasi for formality lang din naman ginagawa ng mga otoridad.
Tama ka dito kabayan mainam talaga na buwagin na yang mga pages na yan. Dahil walang mangyayari kung puro post lang sila ng ganyan, dahil malamang pagtatawanan lang sila ng mga yan at isipin na hindi sila seryoso sa kanilang campaign na labanan ang illegal na online na sugal.
Tsaka magpataw din ng mataas na penalty like kailangan nila magbayad ng mas malaki pang halaga para di na nila isipin na gumawa pa ng kabulastugan online.