Napansin nyo rin siguro na parang bumaba o humina ang ingay at interest ng mga Pilipino pagdating sa Bitcoin. Ayon sa article na ito ay bumaba ang google search volume ng mga related sa crypto at bitcoin sa Pinas, kung saan ay parang bumabalik ito noong pre-pandemic.

https://bitpinas.com/feature/fewer-people-philippines-googling-crypto/
Makikita dito na malaki ang binagsak ng google search para sa crypto at bitcoin after ng peak nito noong 2021 kung saan naging maingay ang Axie o play-to-earn games sa crypto.
Pero sabi rin dito, kahit bumaba ang google search volume ay hindi naman nagkakahulugan na nawawala ang interest ng mga Pilipino sa Bitcoin. Bumaba daw ang search trend dahil mas naging familiar na ang mga pinoy sa Bitcoin. Kumbaga ay hindi na nila kailangan mag search kung ano ang Bitcoin at Crypto since natutunan na ito ng karamihan mula nung nag hype ang Axie.
Isa rin sa tinitignan nila ay dahil sa pag improve ng UX kung saan integrated na ang crypto sa mga financial apps kaya hindi na nila kinakailangan mag research pa. Dagdag pa dito ay humihina rin ang fomo pagdating sa crypto casino.
Although agree naman ako sa mga points na sinabi dito, satingin nyo ba ay mas malaki ang factor na ito ang reason o mas malaking factor pa rin ang pagkawala ng interest ng public sa crypto in general?
Decrease in Bitcoin and Crypto search volume =
Mainstream and Familiarity > Loss of Interest or
Mainstream and Familiarity < Loss of Interest