Pero sa ganitong usapan ibig sabihin ba magagamit na naten ang Bitcoin at crypto as collateral sa mga loans? dahil paunti unti na rin namang tinatanggap at niyayakap ng mga banko ang Bitcoin at crypto di tulad dati na parang magka-away ang banko at crypto?
Posible yan pero depende na rin yan sa mga local exchanges natin kung maga-add ba sila ng ganyang feature. Nasa kanila naman ang desisyon niyan kahit na willing naman tayong gamitin yung holdings natin as collaterals pero kung tingin naman nilang walang market diyan, hindi nila ia-add yan. Sa tingin ko malaking bagay yan sa atin kapag yung mga holders na nangangailangan ng cash pero ayaw gamitin yung holdings nila, pwedeng pwede malapitan itong mga exchanges na ito para sa utang pero huwag asahan na malaki yung loanable amount. Dahil ganun naman usually yan, mas mababa ang appraisal nila sa mismong value ng collateral.