Bitcoin Forum
August 20, 2026, 03:03:50 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Ang pinakabagong Bitcoin fork pero hindi nagtagal (BIP-110)  (Read 10 times)
fullfitlarry (OP)
Sr. Member
****
Offline

Activity: 462
Merit: 340


You Attract What You Are


View Profile
Today at 09:02:53 AM
 #1

Ano nga ba ang BIP-110?

Quote
BIP-110:
Protecting Bitcoin's Purpose
Temporarily limit the size of data fields at the consensus level, in order to correct distorted incentives caused by standardizing support for arbitrary data, and to refocus priorities on improving Bitcoin as money.

So ito ay pinagbabawalan ang paglalagay at paggamit ng mga arbitrary data sa Bitcoin transactions. Sa makatuwid, layunin nitong maalis ang spam sa Bitcoin network o blockchain. Siguro yung iba dito ay naabutan noong panahon na congested ang network dahil sa BRC-20 tokens, Ordinals at Runes.



https://x.com/coinbureau/status/2086387007018651801

Sa umaga ng Agosto 8, 2026, tinanggihan ng mga node na nagpapatakbo ng BIP-110 soft fork ang isang block sa taas na 961,632 na walang kinakailangang signaling flag at nagsimulang bumuo ng alternatibong blockchain. Nakabuo ang chain na iyon ng eksaktong dalawang block. Pagkatapos ay tumigil ito. Dahil hindi ito naka kuha ng consensus na 55% at sa halip ay tumakbo lang sandali dahil 2.53% lang ang nag signal ng pag suporta.



So ibig sabihin nito ay maraming hindi gusto ang softfork na to at may nabasa rin ako dito sa community natin na parang naging pulitika ang nangyari sa likod. Ito rin talaga kung bakit maganda na ang nasusunod ay ang nakakarami sa Bitcoin dahil ito ay decentralisado.

Ang argumento kasi nga ay hindi natin alam ang spam vs legitimate financial data" kaya hindi pwedeng i-filter basta basta ang data.

Sang-ayon ba kayo sa consensus na hindi nasunod?


Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!