Wala naman so far. Also, wala rin naman silang inilabas na abiso patungkol dito or any warning na may fake email na kumakalat o ipinadala sa mga users nila.
It's either an honest human error on their part or a possible fake email talaga, and they are just denying its existence.
Either way, it's always good practice not to click anything on an email, even if galing talaga sa lehitimong sender. You can never be too careful nowadays since sabi mo nga, OP, kaliwa't kanan ang mga data breaches.
Kaya nagtaka din ako kung bakit may email na ganito tas pag check ko legitimate naman na galing sa kanila.
Siguro nga mag possible test na nangyayari para sa upcoming new feature nila.
Pero gaya nga ng sinabi ko di ko clinick ang link at baka mapasama pa kung nagkataon may exploit na nangyari at nakapasok ang mga hacker sa emailing system nila.
Nakatanggap ba kayo ng ganitong email?
Uso ang mga data breach at exploit ngayon at medyo nagdududa ako ng kaunti na baka may exploit na naganap. At baka mayari si coins.ph or di kaya tayong mga users nila.
Na check kuna ang email and lehitimong galing ito sa kanila. Ano opinyon nyo sa nangyaring ito. BTW di kuna pinundot yung set up your access sa sinasabi nilang Super Admin Access na sinasabi sa email na yan at baka madali pa tayo.
Matagal-tagal na rin akong user ng coins.ph since nagka-problema yong account ko sa Binance pero so far wala pa naman akong natanggap na email para sa Super Admin Access nila kabayan. Siguro error lang talaga ito sa kanilang side at kung meron man akong matanggap na ganito ay for sure hindi ko papansinin, masyadong napaka-delikado at wala naman akong business dyan sa Super Admin Access

.
Sa tagal ko din gumagamit ng coins ay ngayon lang din yan nangyari. Ang unang pumasok talaga sa isip ko ay baka may data breach or di kaya exploit na nangyari kaya ayon nag send na sila ng mga email na ganyan.
Siguro nga may bagong feature tayo na aabangan sa kanila at sa ngayon tinetest palang nila ito at yun lang nagkamali sila sa pinag sendan nila ng email.
Sa tingin ko hindi kasi naka specify naman na ang sender ay may noreply sa sender,
no-reply@marketing.coins.ph automated to at malamang hindi ito mabasa, o mag bounced ang reply mo at sabihin na hindi tumatanggap ang inbox ng email naka stated naman sa email nila kung anong email ang kokontakin para sa lahat ng concern na specific a issue.
Kasi kapag may ganyang message sila na pwedeng magreply sa email nila, magrerespond talaga yan kung may additional concerns man o may tanong pa. Pero yun na nga lang, expected nalang din ang isasagot niyan na error lang sa end nila yung nangyari.
Since nag follow up email sila, yun narin ang sagot nito nagka mali lang sila.
Pero good thing naman na ayos lang ang platform nila at nothing serious happen. Pero sa mga ganitong bagay talaga mainam na wag maging sobrang curious at best to ignore nalang at baka phising link at iba pang malware ang mapindot natin galing sa mga unwanted emails na yan.