Dito sa mundong kung saan lumalawak ang Technology ay isang usong-uso na lumaganap sa buong mundo ngayon at ito ay ang
Cryptocurrency,
ano nga ba ito? Pano ito gumagana? at higit sa lahat ay dapat ba tayong pumasok dito? Kaya nga sa paksang ito ay aalamin natin ang dapat malaman tungkol sa Cryptocurrency na lumaganap na ngayon sa buong mundo, mula sa Benipisyo, Risk at Regulasyon na meron dito.
Ano ang Cryptocurrency? Isang digital na uri ng pera na gumagamit ng Technology na BLOCKCHAIN para sa secure na transaction. Hindi ito hawak ng banko o ng gobyerno, Kaya naman tinatawag itong
DECENTRALIZEDAng Cryptocurrency ay
pwedeng gamitin sa Investment, Remittances, at Pambili ng mga produkto via online. Bakit kaya lumalakas ang Cryptocurrency sa buong mundo ngayon?1.
Remittances, dahil madaming mga overseas workers worldwide ngayon ang gumagamit ng mga remittances para makapagpadala sila ng pera sa kanilang mga pamilya. Kaya malaking tulong talaga ang cryptocurrency sa pagpapadala ng pera. Mas mabilis at mas mura ito kumpara sa tradisyonal na remittances na nakagisnan natin.
2.
Digital Savvy ng mga tao, maraming mga tao sa kapanahunang ito ang tech savvy, pagdating sa mga bagong technology na lumalabas sa panahon na ito, tulad ng mga crypto wallet at iba pa.
3.
Pandemic Shift, hindi naman siguro natin maipagkakaila na simula ng magpandemya ay mas dumami ang nagkaroon ng interest na maginvest sa online investment tulad ng cryptocurrency.
Paano bumili ng cryptocurrency?1.
Gumamit ng legit na platform katulad ng Bitget, Binance, BingX, at iba pa na pinagtitiwalaan natin na exchange platform. Dahil sa pamamagitan ng mga nabanggit ay magagawa nating makabili ng cryptocurrency alinman sa nais nating crypto assets.2.
Magset-up ng crypto wallet para sa cryptocurrency na ating bibilhin lalo na kung long-term naman ang ating iniisip. Dahil may mga Hot and cold wallets, online o offline wallets na pwede nating magamit.
3.
Magsign-up sa anumang mga legit platform exchange na nakacategorize sa Cex platform na nangangailangan ng KYC na required magsubmit ng valid id's like passport, Drivers license.
Mga Benipisyo ng CRYPTOCURRENCY1. Mababa ang transaction fee - Mas mura ito lalo na sa mga international transaction.
2. Global access - Pwede tayong makapagtrade o maginvest sa kahit na anong bahagi ng mundo.
3. Potential High Returns - Bagama't alam ng lahat na volatile ang cryptocurrency ay madaming kumikita sa pagtetrade ng crypto.
4. Transparency - gamit ang Blockchain ay lahat ng transaction ay nakarecord at hindi madaling mahack.
Tips bago pumasok sa Cryptocurrency1. Pag-aralan ang Market, lagi magresearch bago maginvest, at alamin ang mga basic trading.
2. Simulan sa maliit na capital, wag agad mag-invest ng malaking halaga. Magsimula ka sa kung ano ang kaya mong mawala.
3. Gumamit ng secure platform, siguraduhin na legit at secure ang ginagamit mo na wallet o exchange dito sa crypto space.
4. Diversify, huwag ilagay lahat ng pera mo sa iisang cryptocurrency lamang. Sa halip maginvest sa iba't-ibang assets para mabawasan ang risk investment natin.
Overall ang cryptocurrency ay may potential naman talagang makapagbigay ng maraming benepisyo, pero hindi rin natin dapat balewalain ang mga risk na meron dito. Kung interesado ang sinuman ay make sure na handa ka na maglaan ng oras, para pag-aralan ito.
Tandaan hindi kailangang sumugal ng sobra para makamit ang tagumpay sa investment.