Narinig niyo na ba ang tinatawag na Distributed Ledger Technology? Akala ko noon ang Bitcoin blockchain ay isang standalone technology na kung saan under sa kanya ang iba pang technology na ginagamit ng ibang cryptocurrency. Ngunit mali pala ang pag-aakala na iyon.
Ang Bitcoin Blockchain pala ay isa lamang sa mga implementasyon ng tinatawag na DLT o DISTRIBUTED LEDGER TECHNOLOGY.
Narito ang isang AI-generated na infographic tungkol sa Distributed Ledger Technology at ang relasyon nito sa blockchain.

Makikita natin sa infographics na ito na ang Bitcoin pala ay nasa ilalim ng payong ng Distributed Ledger Technology at hindi lamang pala Bitcoin blockchain ang nag-iisa under sa umbrella ng Distributed Ledger Technology. Meron pa palang ibang mga disenyo ng arkitektura ng DLT o masasabi nating mga kapatid ni Blockchain tulad ng DAG o Directed Acyclic Graph, HashGraph, Block Lattice at iba pang mga permissioned DLT architecture. Ang mga arkitekturang ito ay ginagamit ng ibang mga cryptocurrency, pero ang pinakasikat ay ang Bitcoin kung saan ang pagiging permissionless at decentralized nito ang nagpaigting sa hangarin ng mga tao na magkaroon ng kalayaan sa paghawak ng kanilang mga ari-arian.
Source (and for more readings):
Different types of DLTS and how they workTypes of BlockchainTypes of BlockChainDifference Between Centralized and Distributed LedgersPermissioned DLT vs Centralized Ledger: What Developers Must Know for CBDC Projects