Just my personal take on this, ganun naman kasi ang government. The more na nawawala yung ingay and nalilipat yung attention ng public sa ibang bagay, bumabagal na din yung action at kilos ng government. Kumbaga yung mabilis na action nila ay parang public pressure lang at para mag paganda din sa publiko. Pero since medyo na didivert yung attention ng public sa ibang bagay at medyo humihina ang ingay sa flood control, mas napapadelay ang action pagdating sa bill na isinusulong ni Sen. Bam.
At isa pa sa naiisip ko ay hindi naman talaga gusto ng karamihan (government officials) ang transparency. Kasi nga kurakot sila. Kung may ginagawa kang hindi maganda, bakit mo gugustuhin ang transparency? Iilan lang naman talaga sa mga nakaupo ang nagsusulong nito. Yung iba tahimik lang pero malamang sa loob nila, ayaw nila ito maisapatupad. Hindi lang sila vocal sa pag disagree dito kasi mas magmumukha lang na may gusto silang itago.
Somehow they just tackle it before para maibsan ang galit ng taong bayan lalo na't kalakasan pa nun ng Flood control scam. Daming nangako pero ang ending wala talaga which is expected na naman din na mangyayari dahil malamang takot ang nakaupo na may isang technology na baka makapag track ng mga ninakaw at iba pang anomalya nila.
Although di naman to perfect but at least sana mainplement for added transparency sana sa government natin.
Dahil dito tumaas ang haka haka ng mga tao na ayaw talaga ng kasalukuyang administrasyon na magkaroon ng transparency. Kaya ang nangyayari either masyadong delayed or di kaya hindi na talaga ito maipapasa sa ngayon.
Ang administration na ito ay may history ng pagiging ningas kugon, sa maraming pagkakataon matagal sila umaksyon, magaling lang sila sa umpisa pero tulad ng kugon unti unti nawawala yung ningas hangang makalimutan na, dahil sa nabanngit uli ito ni Bam Aquino malamang magpalabas ng announcement na itututloy ito.
Di lang siguro ningas kugon, baka ayaw lang talaga nila e implement dahil takot sila sa transparency.
Allergic ang mga magnanakaw sa ganyan. Kaya buti nga at na tackle ulit ito si Senator Bam para kalampagin yung mga naunang sumangayon dito. Pero tingin ko di talaga din to papasa sa administrasyon nato kahit ano pang pagsisikap na gagawin ng butihin na senador.
Parang ganito talaga sa tingin ko ang mangyayare jan dahil papatagalin lang ng papatagalin yan ng mga ayaw sa CADENA Act natural na rin naman na maraming may ayaw niyan sa gobyerno dahil nga naman sa transaparency ang hindi rin naman mapagtuunan ng pansin dahil ang dami ring mga issues at madami silang ginagawang mga kalokohan para mawala yung pansin ng mga tao dito, or doon sa mga flood control projects.
Kailangan talaga maraming mga kababayan naten ang sumuporta jan para umingay kahit sa social media lang for sure malaki na ang magiging impact nun sa atin kapag naging maingay tayo tungkol dito sa Blockchain namaipasa sa gobyerno, parang noong nakaraan lang ito talaga ang highlights dahil sa flood control projects, para madaling na trace ang mga nawawalang funds, tapos ngayon nililihis na agad nila.
Baka sa next administration which is yung kalaban nila ang mauupo. Baka dun maisipan ng mga legislators na ipasa ito. Dahil baka gagamitin nila yan pang track sa activity na ginagawa ng kalaban nila.
Pero sa ngayon malamang hindi pa, dahil nag eenjoy sila ng sobra sa mga nakamkam nila. At tsaka tama ka, kung marami ang mag iingay dyan at mapag usapan ulit ang Cadena act ay baka malay mo pansinin na ito ng mga buwayang yan.
Disappointed si Senator Bam Aquino sa nangyayari ngayon dahil hindi na priority ng admin at iba pang pulitiko ang CADENA Act.
"It's still there, except when the LEDAC met recently, the heads, the leadership of both Congress and Executive, they decided to shorten it at least for the next 12 months, to ensure that we get the measures that are so critical," he replied.
Base dito sa sinabi ng LEDAC hindi critical measures and Cadena na mali naman dahil for transparency ito at para maiwasan ang mga mangyayaring corruption sa budget at mga projects, sa basa ko dito may naglo-lobby na hindi ito ma-iprioritize para mapagtakpan yung mga bagay na di dapat ma-expose, mukhang magkakaroon pa rin ng nakawan sa budget.
Kung talagang seryoso si PBBM isang utos nya lang ito o request sa dalawang chamber mabilis na maipapasa ito at walang magiging debate pa sa pagpasa nito kasi sumasang ayon naman ang karamihan sa mga mambabatas.
Yeap tama din naman ang sinasabi nila, pero additional good measure parin naman din ang bill na yan, para mag add ng transparency sa mga transaction na ginagawa ng mga opisyal natin. At ito ang iniiwasan ngayon ng mga kasalukuyang nakaupo. Dahil baka malay natin mahihirapan sila ng kaunti kung pano nila ilulusot yung mga kabulastugan na plina plano nila.
Takot din kasi ang karamihan ng naka upo para ipasa ito. Common knowledge sa Pilipinas na majority ng naka upo sa Pilipinas ay may bahid ng korapsyon. Hangang sa nakaupo pa yung mga former senators ay mahihirapan maipasa ito. Isa pa sa reason na nakikita ko is hindi talaga ito priority as of now kasi sobrang dami g problema ng bansa natin tapos idagdag mo pa ang politics drama at mga wala ka kwenta kwentang senators sa bansa natin. Kaya I doubt na maipapasa ito sa termino ng current president natin.
Mga usual na senator at governor ay takot sa transparency, Pero yung mga pro transparency kagaya nila Vico at Leni na mag pupublicize ng spending nila at result ng government funds nila is saludo talaga ako.
Ganun na nga, lalo na't ngayon na karamihan sa kanila lalo ay involve sa flood control scam. Kaya di talaga yan papasa hanggang sila pa ang andyan.
Sa tingin nyo may pag asa pa kaya na pumasa talaga to? O mababaon lang din to sa limot.
If may new issue na mangyayari na magpu-push ulit dito, maybe, pero sa ngayon na nawala na yung hype about the CADENA Act, parang malabo na, and knowing kung paano gumalaw ang gobyerno natin, hindi ako umaasa.
Medyo off-topic tong part na to pero, i-mention ko lang. Nabalitaan ko na ang DPWH ay humihingi ng 84 billion pesos na pondo para sa flood control projects sa 2027. Maybe if may kagaguhan na naman na mangyayari diyan sa flood control funds na yan, mapupush ulit yang CADENA Act.
Daming big issue ang patuloy parin na nangyayari. Lubog na ang pampangga at Bulacan pero wala, unti unti nang pinapatay ang issue.
Grabe no kapal talaga nila manghingi pa lalo na't wala namang nangyayari. Another source of funds na naman yan para sa mga buwayang naka upo.