Isa sa mga natutunan ko sa Investing sa Bitcoin ay ang pagkakaroon ng Emergency Funds, Isa sa pinakamalaking pagkakamali ko noong ay hindi ako naginvest sa savings muna at lahat ng investment ko ay puro sa Bitcoin lang dahil sa tingin ko Bitcoin lang ang pinakamagandang investment, wala akong Emergency Funds or kahit anong savings lahat isang wallet lang kahit bank account wala puro nasa Bitcoin lang dahil sa tingin ko sayang nama kung ilalagay ko sa Banko or isasave ko lang dahil usapan din dati na talo ka kapag nasa banko ang pera mo dahil sa inflation.
Pero sa pagbuo ko ng Financial ko natutunan ko ang kahalagahan ng dapat bago ka magkaroon ng investment ay maayos muna ang savings mo, may emergency funds, may safety net dapat. Dahil din dito kaya kapag may emergency nabebenta ko palagi ang Bitcoin ko dahil walang maayos na plano, at naginvest agad ako sa risk asset tulad ng Bitcoin kahit na hindi pa maayos ang finances ko.
Sa tingin nyo ba Pwede nateng gamiting ang Bitcoin mismo bilang Emergency Funds since ang Bitcoin ay madalas long term investment rin naman, Sa experience ko naman sa pagbuo ng Emergency Funds, long term din ito dahi hindi mo rin naman ito mabubuo basta basta magsisimula ka rin sa pagiipon muna bago mo mabuo ito. Dapat ba na maginvest sa savings or dapat ilagay na lang lahat sa Bitcoin for long term?
Kahit ako medjo napapaisip sa kung masreasonable na masmadami ang cash kaysa sa investments sa Bitcoin. Dahil magkaiba ang pinaggagamitan ng Emergency funds at Bitcoin, pero kung ilalagay lahat sa Bitcoin for long term, masmaganda rin ang profit in theory if maganda ang takbo ng market, at for sure pwede pa rin naman gamitin for emergency in case dahil Bitcoin for sure hindi ganoon kalaki ang loss kahit magbenta ka ng maliit na percentage.
Kung ikaw, kabayan pano mo hahatiin ang iyong Bitcoin at Cash?
-100% Savings/Cash
-80.20 Savings/Cash at Bitcoin
-50.50 Savings/Cash at Bitcoin
-Masmalaki ang Bitcoin
Maganda yang realization mo kabayan, makikita mo talaga na may malaking improvement na sa iyong sarili dahil naisip muna ang mga praktikal na bagay na yan.
Pero para sakin lang talaga ah ewan ko kung may mag agree man sakin dito.
Mas mainam na focus ka sa fiat when it comes emergency funds. Tago mo sa bank or either kahit saan na alam mong safe, dahil mainam na sa ganyang form dahil kahit ano mang oras ay pwede mo agad mabunot ito ng hindi kana mahihirapan.
Kung Bitcoin naman kasi may tendency na ibenta mo lahat ng holdings mo, at sobrang sayanag naman nun. Tsaka imagine kung anong hassle ang kakaharapin mo kung may emergency bago pa makuha ang inaasahan mong pera. Kaya best to keep your emergency funds in fiat all the time, then use your discretionary funds for investment purposes dahil para sakin ito talaga ang pinaka ideal set up.