Halos ginagamit ko ang chatgpt daily and may times na naexperience ko na yung ganitong scenario. Nabigyan na din ako ng fake website/scam website ng chatgpt same sa scenario ng victim. This is why vigilant ako sa mga links na binibigay ng AI kasi alam ko na pwede ito ma manipulate at akalain ng AI na ito ay ang legit.
I also experience this, ang matindi pa nga sa naexperience ko ay ng magsearch ako ng laban ng isang boxer, isipin mo gumawa ng sariling boxing match si Chatgpt na hindi naman talaga nangyari. Kaya ng maexperience ko iyon nagcommand ako ng put into memory na iverify lahat ng information bago ito sumagot. Pero kahit na nainput ang command, hindi pa rin talaga maiiwasan na magkamali ang chatgpt dahil nagcocolect lang din sila ng information from the internet kaya makakasagap talaga ng fake news, fake link at fake service ang AI mali mali rin ang ibibigay nitong context.
RAG ata yung method na pwede mo ifeed sa AI yung info mo para ikalat ito, not that much knowledgable sa technicals nito pero alam ko yan yung term para sa way nila at possible na possible na yung may ari ng fake websites is finifeed nila sa AI yung knowledge base ng website nila para mapagkamalan itong legit.
AI is very helpful pero always double check especially sa mga website since it can still be manipulated.
Nabasa ko ang RAG (Retrieval-Augmented Generation) ay ang paraan ng AI system to get information from external source. Bale parang ito iyong ginagawang context para maggenerate ng response. Kaya kung ang nakuha ng AI para sa RAG is coming from sa scam site, ito ang ibibigay nyang context sa kanyang sagot which I think na nangyari dun sa binigay na incident ni @OP.