Nothing against GCASH because at the end of the day, tama ang sinabi ng mga kababayan natin na may working product na sila pero... pero yung ibang mga companies din na listed sa stock exchange natin ay may working product na rin pero bakit pababa pa rin ang stock prices nila?
JFC, ALI, SM. Pwede pa akong magdagdag.
Well, good opportunity ito sa mga supporter ng GCASH at gustong bumili ng shares nila pero napatanong ako sa sarili ko.
"Worth it pa rin ba mag-invest sa ating Stock Market sa kabila ng nangyayari sa ekonomiya natin?" Gaya ng sinabi ko, hindi ako against sa GCASH at sa kanilang IPO at kung maganda lang ang ekonomiya natin, baka bibili rin ako ng shares nila pero dahil sa past experience ko sa ating Stock Market, hindi ko naiisip ang sarili ko na mag-invest pa ulit dito.
Di ko sinasabing wag kayong mag-invest ah. Pera nyo yan pero kung ako, may mas marami pang pwedeng pag-invest'an ng pera natin.

Para naman sa IPO nila, nag-eexpect na ako na maganda ang simula nito sa mga unang buwan pero overtime, nag-eexpect rin ako na babagsak ang price nito hanggang hindi nagiging okay ang economy natin.
