Nakita ko nanaman itong Meme photos na kumakalat nanaman sa social media dahil trending nanaman ang bagong Iphone 18 ngayon, parang every Iphone release naman ata laging may ganitong meme na lumalabas, pero kung titignan lang naten ng mabuti, sobrang direct lang mismo ng message na sinasabe ng picture na ito, na magandang investment ang Bitcoin kaysa sa Iphone dahil na rin isa na itong asset na possible magbigay ng profit, kumpara sa Iphone na possible maging liability pa.
Hindi naman ibig sabihin na kapag bumili ka ng Iphone ay bad investment na agad, kung maayos ang finances mo, may savings ka, may investment at alam mo na hindi maaapektuhan ang finances mo kahit bumili ka ng Iphone, masmataas ang Income mo kaysa sa iyong expenses, masasabi naten na kaya mong bumili ng Iphone, mali lang talaga sa ugale naten minsan ay kahit na alam naten na hindi naten kaya ay pinipilit pa natin, kaya madalas sa mga kababayan naten ay nalulubog na rin sa mga utang.
Link Mahirap makita ang potensiyal ng Bitcoin kahit noong 2011, pero kung ikaw ang tatanungin pipiliin mo ba na bumili bumili ng Bitcoin kaysa Iphone? O gastusin ang Bitcoin mo para sa Iphone?