Baka nga na benta na yang holdings na yan nung 2017 or earlier pa. Even yung pag $1k ng btc laking celebration nun so madaming nagbenta ng holdings nila. Wala naman kaseng may alam na grabe ang taas ng price until today. Kahit hint wala rin, yung may tiwala lang talaga at long term visions ang nag hold ng napakatagal. Or kung nangyayari man yung mga short dramas na regress lol invest talaga sa bitcoin malala.
Tama malamang ganito talaga ang mangyayari, dahil laking pump na nito noon at malamang nag liquidate narin ang mga active na Bitcoin users noon. Pero malamang malaki talaga regrets ng mga tao noon lalo na may hawak silang maraming Bitcoin dati nung makita na ganito na ang price nito ngayon.
Kayo manghihinayang ba kayo kung nakapagbenta kayo ng ganito? o kakalimutan nalang dahil part naman din to ng history.
For sure, naghihinayang ang mga iyan pero wala na tayong magagawa nyan eh kasi wala naman tayong bolang crystal para hulaan kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Sa dami ng Bitcoin na kanyang pina-bid baka may mas marami pa siyang natira ay baka bilyonaryo na siya ngayon.
Grabi, kung titingnan natin yong mga nakaraang transactions natin or mga wallets natin may mga masasabi rin tayo na sayang like mayroon ako dati na 50 bnb, kung hindi ko yon pinagbili sana ay may million pesos na ako ngayon

.
Tayo nga nanghinayang dati nung sobrang mura palang ng Bitcoin nung nag umpisa tayo at makita na nag pump ng sobrang taas si Bitcoin. Sila pa kaya na cents or few bucks palang yung value ni Bitcoin sa mga panahon na yan.
Yun din ang naisip ko dati nung tiningnan ko yung overall transaction history ko. Kung inipon ko lang to malamang milyon milyon na ang kinita ko.
Lahat naman manghihinayang sa ganyan kalaking value ngayon kabayan, kung siguro sakin ang bitcoin na iyan until now hawak ko pa iyan, dahil madalas akong makalimot, ng kung anu itinabi ko, pero ung seed phrase nyan or key sigurado nakasulat or nasa notes ko padin.
Pero maaring sa panahong iyan need ng pera or wala siyang iniisip na after years magiging ganiyan ang value, magsisi sya sigurado ngayon pero for sure ay meron parin siyang naitabi at maaring milyonaryo parin siya ngaun, kung hindi naman sayang.
Sino ba ang hindi

life changing situation na sana kung nag hold lang talaga. Pero hirap din magtiwala sa isang bagay na walang kasiguradohan.
Bago palang si Bitcoin dati kaya understandable din naman kung bakit nag dump sila noon.
Ang saya isipin, lalo na kung naitago ba 'to ng user na 'yan, dahil hindi na siya mahihirapan kung ano man ang gawin niya.
Sa tingin ko, marami ganyan at lie-low lang talaga sila. At marami rin siguro ang nakawala ng private keys nila, na-hack, namatay(at hindi naipasa ang wallet nila), at talagang umayaw lang dahil sa gulo ng market.
Ang dali lang natin sabihin na "HODL" lang dahil nakikita na ang value ngayon, pero kung noon 'yan, mahirap talaga. Isipin mo, 10–15 years ang hihintayin mo talaga at sobrang panalo ka. Hirap gawin niyan talaga.
Tama lalo na ngayon na maraming exchange ang available at madali lang sana ma cashout yung holdings nya kung nagkataon na hold ito hanggang ngayon.
Tsaka in reality mahirap talaga mag hold. Dahil sobrang daming challenges at imagine kailangan mo itago ang bitcoin mo ng ganyang kahabang taon, Malamang yung mga financial capable lang ang nakakagawa nito o di kaya yung old time Bitcoin user na nakalimutan na may holdings sila tas nahukay nila ito ngayon at pumaldo.
Isa parin to sa mga staying still na regrets ng mga OG bitcoin users at miners, yung naibenta nila yung bitcoins nila before ng sobrang baba. Well honestly hindi naman natin talaga ma prepredict na magiging ganto ang bitcoin during those days. I myself nung nag simula palang ako ay ang tingin ko sa bitcoin is isang extra source of income lang and almost lahat ng naeaearn or naiipon kong bitcoin ay nacoconvert ko agad sa cash. Actually bumili nga ako before ng high end phone which cost more than 1 bitcoin HAHA, I converted my bitcoin to fiat kaya ganun nalang pag sisisi ko.
Early crypto adopters always have regrets, di natin maitatangi yun. At least may kwento tayo na masasabi natin na masabi na unbelievable, regretful at hilarious.
Siguro not only them, but tayo din na may maraming BTC dati na dump nadin. Dahil same situation lang din tayo sa kanila. lalo na yung laging nagbebenta kapag nakaka receive ng Bitcoin nila.
Baka nga na benta na yang holdings na yan nung 2017 or earlier pa. Even yung pag $1k ng btc laking celebration nun so madaming nagbenta ng holdings nila. Wala naman kaseng may alam na grabe ang taas ng price until today. Kahit hint wala rin, yung may tiwala lang talaga at long term visions ang nag hold ng napakatagal. Or kung nangyayari man yung mga short dramas na regress lol invest talaga sa bitcoin malala.
Aminin mo kabayan, kung darating yung pnahon na makkabalik ka sa nakaraan, isa sa mga pipiliin mo yung panahong wala pang value ang Bitcoin para makapag imbak ka ng marami ^_^
Kung may chance lang diba why not? for sure bibili ako ng sobrang raming Bitcoin dahil matic yayaman talaga tayo pag bumalik tayo sa present time.