
Share ko lang itong isang interesting na Filipino-made project na nakita ko.
Ang Agila: Finance Coach ay isang finance app na ginawa ni
Teodore Renzo “Zo” Alcazar, isang Filipino developer. Ang goal niya ay gumawa ng finance app na practical at madaling gamitin para sa everyday financial needs ng mga Pilipino.
Na-feature kamakailan ang Agila at ang developer nito ng Iskolar ng Bayan, kung saan nabanggit na papalapit na sa 30,000 downloads ang app sa iOS at Android. Ayon din sa feature, umabot na ito sa #4 sa Free Finance apps sa Philippine App Store.
May features ang Agila para sa:
• Income at expense tracking
• Wallet management
• Savings goals
• Installments
• Lending at collections
• Budgeting
• Sales at business expenses
• Inventory
• Customers at suppliers
• Cash-flow monitoring
Interesting din yung philosophy sa likod ng app. Hindi raw ito ginawa para kailangan mo munang maging finance expert bago mo maintindihan. Ang focus ay gawing simple at practical ang pag-manage ng pera.
Sa reaction naman ni Zo sa feature, sinabi niya na nagsimula lang ang Agila sa simpleng idea na gumawa ng finance app na “practical, madaling gamitin, at talagang bagay sa everyday life ng mga Pilipino.”
Para sa akin, magandang makita na may mga Filipino developers na gumagawa ng sariling products para sa local market, lalo na kung nagsisimula ito bilang independent project at nade-develop base sa feedback ng actual users.
“Built for Filipinos, improved with Filipinos.”🦅
May gumagamit ba dito ng Agila? Ano ang experience ninyo so far?
Agila: Finance Coach
iOS:
https://apps.apple.com/ph/app/agila-finance-coach/id6765464814Android:
https://play.google.com/store/apps/details?id=com.janj.agilaFeature by Iskolar ng Bayan:
https://www.facebook.com/photo?fbid=1376937577927815&set=a.398337042454545