So may friend ako nagtanong tungkol sa Cryptocurrency at paraan ng pag iinvest at ang main core teaching ng Cryptocurrency, una ko nang naituro ang decentralization concept ng Bitcoin, naturuan ko sya ng paggamit ng Electrum bilang non custodial wallet.
Pero nung bibili na sya ng Bitcoin ang inirecommend ko sa kanya ay ang Coins.ph dahil GCash o bank transaction na alam naman natin na isang isang custodial wallet ang nasa Coins.ph.
Kaya ang tanong ko tama ba na isang custodial wallet ang irecommend ko sa halip na non custodial kasi walang paraan para makabili nito using fiat.
Ganun din ba kayo sa mga baguhan na iniencourage nyo na mag invest, custodial wallet muna bago non custodial?
Pwede naman na gamitin nya ang sa coinsph tapos sunod na ituro mo ung kagandahan ng non custodial, need nya din naman malaman iyong sa coinsph kasi maari na magamit din nya iyon, sabihin mo lang iyong mga problema ng sa coinsph para hindi siya mashock if magbull run ehehe.
Step by step lang na turo para hindi siya mabulunan, saka malalaman din naman niya yan, dapat hindi lang turo sabihin mo aralin din nya ang mga ilang bagay, para maganda ang kahinatnan.