Bitcoin Forum
September 16, 2026, 04:27:27 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.1 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: CLARITY ACT malaking bagay sa ating mga crypto community, sang-ayon kaba?  (Read 22 times)
fighter2627 (OP)
Member
**
Offline

Activity: 202
Merit: 81


View Profile
September 15, 2026, 04:05:44 PM
 #1

Ilang weeks naring nagiging mainit na usapin ang CLARITY ACT BILL, though sa ngayon ay hindi pa ito nagiging batas pero kitang-kita naman natin yung buong 100% na suporta ni President Trump dito na hindi naman lingid sa kaalaman ng iba dito sa atin. At maging sa karamihang mga crypto community worldwide sa bagay na ito.

Ano ba ang Clarity Act?
Ito ay isang panukalang batas na nagbibigay linaw o tinutukoy nito kung sino ba yung kumokontrol ng isang crypto assets market ng business industry kagaya ng kinabibilangan natin ngayon dito.  Tinutukoy din nito kung security ba o commodity ang isang digital assets dito sa crypto space.

Ano ba ang GOAL ng CLARITY ACT?
Ito ay batay sa aking perception lamang na kung saan sang-ayon sa aking pagkakaintindi ay asssuming or just in case na hindi maipasa itong panukalang batas na ito ay alam naman natin na ang function ng US SEC ay they will give instruction to any of the cryptocurrency na pag-aari ng isang kumpanya ay they will demand na kailangan merong license yung mga crypto companies, at kung ayaw naman ng crypto companies na magcomply sa SEC para sa Security ay automatic dito sila papasok to register sa CFTC bilang commodity. Meaning, kahit papaano ay magkakaroon sila ng distinction kasi ito naman talaga yung main goal ng Clarity act na magkaroon ng distinction between security at commodity.

Kaya nga kailangan natin ng Clarity act, hindi na yan mababago basta-basta, kaya nga magandang samantalahin na yung pagkakataon habang nandyan pa si Trump sa posisyon nya sa kasalukuyan, kasi hanggang hindi nagiging batas yan ay pwedeng yung susunod na administrasyon ay baguhin nila yung mga bagay-bagay.

Pero sa ngayon magkakaroon muna ng botohan sa US Senate ng 2:15pm Sept. 15 2026 na 2:15am naman dito sa bansa natin na Sept. 16 2026 naman. Kahit na makuha yung 60 votes sa senate ay hindi ibig sabihin ay batas na ito kundi may ilan paring mga gagawing action sa senate at sa congress nila to make it complete bago ito pirmahan ni President Trump. Kaya magandang balita talaga ito kapag naging batas na ang Clarity Act bill.

reference: https://www.barrons.com/articles/crypto-clarity-act-vote-7968a46e

Pros ng Clarity Act

Mabibigyan nito ng proteksyon ang mga Buyers/investors, Developers, at parang magiging anti-fraud and manipulation ito.

Bukod pa dito ay kung maging batas na nga ito ay hindi ibig sabihin nito ay mabibigyan na nya ng matinding pag-angat ang price value ni bitcoin sa merkado, kung ang tanging
layunin nito  maalis yung ibang bahagi ng hindi tiyak na mga regulations.

██▀ ██▀ ██▀ ██▀   🅲   C  o  n  t  e  s  t  H  u  n  t  e  r  s  .  c  o  m   ▀██ ▀██ ▀██ ▀██
P r e d i c t .   C o m p e t e .   W i n
██▄ ██▄     🔎 CONTESTS   |   🏆 TOURNAMENTS   |   🎰 CASINO REVIEWS     ▄██ ▄██
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!