Nalala ko iyong isang service center ng isang MLM company, way back 2015 ng ipakilala ko sa kanila ang Bitcoin, hindi nila pinansin dahil hindi raw nakarehistro sa SEC, pinaliwanag ko naman kung bakit hindi ito nakarehistro sa SEC pero hindi nagbago ang pananaw nila. After several years, sila na mismo ang nakikwento sa akin ng mga taong kakilala nila na malaki ang kinita sa pag-invest sa Bitcoin. Nagkikwento siya ng may panghihinayang dahil hindi siya naniwala sa akin nung una kong pinakilala ang Bitcoin sa kanila.
Ilang milyon din ang pinasok nila sa MLM company na sinalihan nila pero walang napuntahan, kung nakinig lang sana sila at kahit 10% lang ng fund na pinasok nila sa MLM ang ibinili ng BTC, hayahay sana ang buhay nila ngayon.
Sa tingin ang mga taong ito ay iyong mga hindi masyadong techie at the same time wala silang hilig dahil para sa kanila 9-5 work parin ang magaahon sa kanila sa kanilang sitwasyun, subalit ang hindi nila alam mas ahead nga ang bitcoin kahit sa bangko na gamit nila, dahil for example nagdeposit sila kada taon maliit lang nakukuha nilang return dito, samantalang ang bitcoin malaki laki din.
Marami rin akong kakilala na techie at pinagsharean ko about BTC way back years ago pero hinanapan pa rin nila ng office ang BTC at rehistro. Hindi sila naniniwala noon na papalo ng ganito ngayon ang BTC. Ang laging hinahanap nila ay iyong mga legalities which is noong nagdaang taon ay malabo ang stance ng gobyerno tungkol sa BTC.