subalit maraming mga mauutak na foreign investors na binabypass ito sa pamamagitan ng pagexpoit sa mga method na mapapawalang bisa ito katulad ng pag-aasawa ng Pilipino, paggamit ng dummy account na pag-aari ng ng Pilipino subalit may nakatagong kasunduan kung saan ang share na makukuha ng account na ito ay pag-aari pa rin ng foreigner na nag-invest.
May risk ito sa mga investor kasi hindi 100% totally sa kanila ang mga business decisions at puwede pang mawala ang kanilang investment kung makakuha sila ng mga partners na lolokohin sila, gayundin sa dummy account. Iba pa rin na ang isang investor ay nakakapagdesisyon nang malaya at kinikilala ng estado.
Para sa akin kung ang investment ang pag-uusapan, marahil ay dapat na iton repasuhin dahil may mga bansa na nagibibgay ng 100% ownership sa mga dahuyan at nakakatulong ito para mapaunlad ang kanilang ekonomiya,
Unfortunately ang nakikita dito ay abuse at hindi benefits ng mga mambabatas, bukod pa doon may lobbyist ang malalaking local na negosyante dahil ayaw nila ng competition na manggagaling sa labas
Kaya kung ang integrayon ng Bitcoin ang pag-uusapan, hindi na kailangang baguhin ang batas ngunit kung ang investment ng mga foreigners at alisin ang hadlang para hindi magdalawang isip ang mga ito, maaring pag-isipan ang pagbabago ng mga batas na may kinalaman dito.
Kasama na dito ang pagnenegosyo na cryptocurrency ang concept dahil ang bansa natin ay malaki ang potensyal na market.