Another scammer name na naman, Uptrade Alliance. Pinatigil na sila ng SEC at pinahinto rin ang paggalaw ng funds sa deposit accounts na ginagamit sa investment scheme. Maganda yung ganitong action kasi hindi pa tuluyang nakakapang-scam ng mas malaking amount, nag-aact na agad ang SEC. And as usual, yung offer nila ay too good to be true.
According sa
report, they were accepting investments starting from around P300 to P1,000, then promising:
12% return in 5 days
60% return in 15 days
At syempre, guaranteed daw yung return.Sa mga newbies at greedy, dito talaga dapat mag-isip. Red flag na agad yung paggamit ng "guaranteed" sa ganitong kalaking return. Imagine kung P1,000 nilagay mo, in 15 days P1,600 na. Kung tuloy-tuloy daw yung same return, in one month lampas doble na yung pera mo. So magiging greedy ka talaga lalo na kung sa umpisa nagbabayad sila, pero alam naman natin usually sa umpisa lang yan.
Dito dapat pumapasok yung importanteng question:
Saan nanggagaling yung perang pinangbabayad?Minsan hindi na natin tinitingnan yan, ang importante lang sa atin is nagbabayad, tapos sasabihin natin
legit dahil nagbabayad naman. Kaya recruit ng ibang tao, then eventually ayun, bagsak. Ubos ang savings, at yung iba may utang pa. Saan talaga nanggagaling yung profit para mabayaran lahat ng investors ng ganitong kalaking guaranteed return?
According to the SEC, Uptrade Alliance was also offering unregistered investment contracts and operating an online crypto trading platform without authority.So para sa akin, kahit maganda pa yan tingnan sa papel, hindi naman kailangan maging sobrang talino para maintindihan na sobrang questionable ng ganitong offer.
Paulit-ulit lang naman yung pattern. Ito may bago na naman, at kahit ma-shut down ito, siguradong may bagong pangalan at bagong scheme na papalit ulit.