Puro gold-plated

Hindi purong ginto. Malamang nga napulot 'lang nila mga 'yan dahil itinapon 'lang din ng dating may-ari, kasi nga wala namang value.

Kumbaga, for collection purposes 'lang.
Meron din akong ganyang Bitcoin Coin pero bronze-plated itong sa akin; napanalunan ko dati sa raffle sa Games and Rounds board.
Besides, marami namang ganyan sa Shopee at other online stores na ibinebenta ngayon. Kudos na 'lang din sa gold buyer since inentertain parin 'nya kahit siguro na alam niyang mga peke dala nila.

Behold! My 1 Bitcoin!

PS. Sa mga newbie diyan, walang laman 'yan ha, purely for collection purposes 'lang.Meron din ako nyan at Gold naman sakin.

Sobrang tagal nadin nito, at isang dekada nadin ata. Gusto ko sanamag collect ng marami pang ganito dati. Pero yung iba nawala.
Nabili ko yan sa kaibigan ko at naitago ko pa sa lalagyan ng barya

Meron akong ganyan nabili ko sa Shopee nilalagay ko lang sa work station parang symbolism meron pa ngang keychain yan
Kung alahero ka na Bitcoin investor pwede ka naman pahulma pero hindi mo maloloko ang isang alahero tsaka may internet naman tayo na malalaman kung ano ang Bitcoin.
Pero meron akong na-encounter na isang newbie na akala niya ang Bitcoin ay isang uri ng coin, kasi nakita niya nga sa Shopee. Marami pa talaga tayong mga kababayan na hindi educated sa Bitcoin; nasanay kasi sa fiat.
Oo dami dyan sa Shopee at may iba't - ibang bitcoin merch pa na binebenta dyan. Ikaw nalang pipili kung ano ang matitipuhan mo dyan.
Sorry brother @ arwin100 dapat sana pekeng Bitcoin souvenir coin ang title

Meron din ako niyan, pero ang daling kumupas sa katagalan; nangungupas, kaya napakamura ito sa Lazada at Shopee.
Sa video sumakay na lang yung alahero kasi content creator kasi sya magandang content ito para sa kanya biro mo binebenta Bitcoin kung ginto sana lahat ng hawak ng binebenta nila mahigit 1 million lahat lahat.
Kaya ang nangyari, naging content pa tuloy sila.
Makintab parin sakin, di ko tinanggal sa lalagyan. Kasi madali talagang kukupas kung hahawak hawakan mo dahil low quality lang ata material nito.
Dun din talaga ako natawa sa reaction ng alahero dahil sobrang OA ng reaction nya talaga. Halatang pandagdag minuto lang sa content nya e at pinaasa lang ng kaunti yung nagbebenta.
Mukang walang idea si seller talaga about sa Bitcoin pero dahil alam niya talaga is Bitcoin is may value possible alam na rin talaga niya na Bitcoin talaga is may value nagkamali lang talaga siya na akala niya Bitcoin is physical na bagay or coin talaga hindi niya alam na digital ang Bitcoin.
Pero possible din naman na gold talaga ang coin na yun diba pero syempre sobrang daming ganyan kase na nabibili lang online.
~
Ito rin ang sinasabe ko kabayan, sobrang daming ganyan na coin online na sobrang muka online, pero meron akong nabili dito sa forum na mga commemorative na token masok siya kahit papano naghohold din naman ng value dito sa forum since pwede mo rin naman ibenta in the future, and yung iba masmaganda dahil may laman talaga siya na Bitcoin so parang wallet.
Wala talaga dahil sobrang halata na di sa kanya yung binebenta nya. Kaya duda ko nga nakaw eh, dahil di sya pupunta dyan kung me ideya sya kung ano ang hawak nila.
Pinanood ko noong una is wala ako na intindihan syempre language din. Tas tinapos ko yung video akala ko naman yung lalaki is parang collector ng gold tapos nakita nila na bitcoin so syempre if ikaw may potential yung kasi gold pa din at the same time tapos syempre kung totoong gold paldo ka talaga kasi bitcoin gold as part of collection sya tas talagang may value hindi lang pang display tapos natawa ako kasi ang OA nag compute agad sila kung magkano tapos biglang pag check nila if gold ba talaga lumabas is Copper paldo na naging paldon't pa.
Yun posibleng paldo pag gold, pero nasa pinas tayo at malamang wala sigurong tao na gagawa ng ganyan. Pero entertaining parin naman ang video lalo na kung ma intindihan mo ang pinagsasabi nila.

Pero observe nyo ang video na yan. tingin nyo sila ba ang tunay na may ari? O nakaw ang mga physical coins na yan.
Dahil tingin ko nakaw e. Di sila pupunta sa lugar na yan, dahil malamang alam nila na hindi ginto ang dala nila.
Not sure since hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila, pero maaring may nagbigay lang sa kanila ng mga physical coins kapalit ng ibang bagay, at nagpakita ng mga online examples na pure gold
[even though majority ng mga collectible coins is gold-plated, may ilan din na pure gold talaga].
Sana ganun nga, pero kung tama ang hinala ko ay baka sobrang humagalpak ng tawa ang owner nyan. Lalo na't nakita nya ang video na yung souvenir nya ay sinubukang ibenta sa isang alahero.
Napulot lang siguro nila yan kasi kung sa kanila yan, alam na sana nila agad na peke. Kahit ako man, kung alam kong peke hindi na ako magsasayang ng oras para pumunta sa mga gold buyer dahil alam naman natin na mahirap maloko yang mga yan. Nakakahiya rin kung malalaman na peke yung dala mo.
Pero ngayon ko lang nalaman, may nabibili pa lang ganyang mga btc accessories online.
Pwede din, pero kung ako ang nakapulot ng ganyan tas di ko alam if tunay o hindi. Baka una kung gagawin ay bubutasin sa gitna. Para makita ko na puro bang ginto o baka plated lang.
Bisaya ata language not sure. Pero basa ko sa mga comment stolen nga daw. Dapat yung mga ganyan hindi biniblur yung mga nagbebenta para just in case ikaw na baka nga nakaw e di at least mapanuod nung may ari.
May mga coins na ganito funded pa, pero ito mukhang malabo kasi mukha naman walang holograph. Paldo sila dyan kung funded na tapos gold pa talaga.
Bisaya language gamit nila, pero I think di nila magagawa yung hindi e blur ang mukha. Dahil baka mabalikan sila at tingin ko bawal din yun lalo na pag di aware ang tao na naka video sila.
Pero siguro kung may mag pm at mag claim na sya ang may ari ng binebenta nila. Baka ibigay ng uploader and buong footage na walang takip sa mukha ang involve.